Chapter 34

10.3K 191 35
                                        


---

"W-What?" Nautal ako.

Hindi ako makapaniwala! I lost my poise because of his question! Siya ay kinunutan ako ng noo pero nanatili ang masamang tingin! Hindi ko na napansin pa ang pagtigil ng tawag.

"Husband?" Mahina kong ulit, hindi makapaniwala.

He pursed his lips. His eyes surveyed my face before it went to my hand then he shook his head.

"Let's continue." Masungit nitong sabi.

Napakurap kurap na lang ako sa nangyari.

Hindi ko alam saan nanggaling ang sinabi niyang may asawa na ako pero wala ako non! Wala akong asawa! Anak, meron! Siya rin, merong anak! Anak namin!

God...

I tried to compose myself again. Hindi ko na nga naintindihan ang pinagsasabi nito. I was caught off guard with it.

Nang nilingon ako nito ay napaayos ako ng upo at agad iniwas ang tingin.

"Wala kang sasabihin?" Bigla nitong sabi.

My eyes widened a little. Nilingon ko muli ito.

"Ano namang sasabihin ko?"

His brows furrowed. He looked at the plans in front of us bago umayos ng upo at sumandal sa upuan niya. He even crossed his arms, masama ang tingin sakin.

"You're not listening."

My eyes widened, "I am!"

He raised a brow, "Sige, ulitin mo sinabi ko."

I bit my lips, ayaw agad magsalita. Wala man lang akong plano na sumubok dahil alam kong papahiya ko lang ang sarili ko. Hindi na talaga ako nakikinig sa mga huli niyang sinabi!

Kasalanan niya naman, nakakagulat ang tinanong niya! Ang tagal ko nakabawi.

Pero yung kabog ng puso ko simula kanina, hindi na nawala.

"See?" He rolled his eyes. "Let's reschedule this meeting."

"You're busy." I said, remembering his schedule.

"I'll contact your secretary." I nodded, walang mahanap na salita para makapag reklamo. "I want a meeting with you, alone."

"What?" He again caught me off guard!

He raised his gaze to the people around us, our team, kaya ganon rin ang ginawa ko. I noticed they're already talking about things not related to work.

"We obviously don't need them here."

"But they're part of our teams."

"Just spread the word." He shrugged. When he looked at me, I shivered a little. His cold eyes feel so... foreign. "And I want a not work related dinner with you."

After saying that, he stood up. Napaawang ang labi ko sa sinabi nito! Hindi na ako nakareklamo pa dahil kinuha nito ang atensyon ng lahat!

"This meeting is done." Malamig nitong sabi bago umuna na.

Tumingin muna ito sakin bago umalis na. Napahinga ako ng malalim, naguguluhan sa dinner na tinutukoy nito na hindi work related.

Paano kung... mag tanong ito tungkol sa nakaraan namin? Huh? Anong gagawin ko? Anong isasagot ko?! My reason is my mother dahil siya naman talaga ang may kasalanan ng lahat, pero... hindi pa ako handa.

Hindi ako handang maungkat ang nakaraan.

Hindi ko pa kayang kausapin ito tungkol sa noon.

"Architect, hindi ka pa po aalis?" Napakurap kurap ako dahil sa tanong ng secretary ko.

All for Naught (NOTHING SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon