Prologue

6.7K 218 36
                                    


Asa'n na ba si Jimin? Kanina ko pa hinahanap wala pa dito.



"Yaya, wala pa po ba si Jimin?" Tanong ko habang bumababa sa hagdan.



"Wala pa, anak. Umalis eh. Nagmamadali nga eh."



Napakunot naman noo ko. Sa'n nanaman kaya nagpunta ang pandak na 'yon? Hindi man lang nagpaalam sa'kin. Ni wala ngang note na nakalagay sa side table. Kaasar lang.



"Ya, ano pong almusal?" Tanong ko na lang nang maabot ko ang kusina habang hawak-hawak ko ang tiyan ko. Ewan ko kung kailan ang due date ko. Mag-9 months na kasi 'to eh.



"Nagluto ako ng fried rice na may mga green peace. Ayan kasi ang binibilin lagi sa'kin ni Jimin."



"Oh sige po, Ya. Salamat po."



Naramdaman ko naman na sumipa ang anak ko. Kaya naman napangiti na lang ako at hinawakan ang tiyan ko. "Naglilikot nanaman siguro ang anak mo." Sabi ni Yaya.



"Oo nga po eh. Mukhang gutom na gutom na."



3RD PERSON'S POV



Nang matapos kumain si Tiana, agad siyang dumiretso sa sala atsaka nanood ng kung anu-ano.



Habang siya'y nanonood, minamasahe niya ang kanyang tiyan.



"Excited na akong makita ka, baby. Sino kayang mas kamukha mo? Daddy mo o ako?" Natatawa na lang siya habang hinahawakan ang tiyan niya. Halata mo talaga na excited na siyang makita ang magiging anghel nila.



Katulad nga ng pinangarap ni Tiana, lalaki ang anak niya. Sobrang saya niya dahil pinakinggan ng Diyos ang dasal niya na lalaki ang magiging anak niya.

Maya-maya lang, sa gitna ng panonood niya nakaramdam siya ng sakit sa tiyan niya. Kaya naman nataranta ito bigla.



"Y-ya.." Sambit niya. Nagulat naman siya nang biglang pumutok na ang tubig mula sakanya. "Y-YAAAA!"



Agad naman nagpunta sa sala si Yaya Meding. "Jusko, a-ano..saglit lang! Tatawagan ko si Jimin!"



Ginawa naman niya ang sinabi niya. Tinawagan niya si Jimin na tarantang-taranta.



--



Nang makaabot sila sa hospital, agad na dinala si Tiana sa loob. Kinakabahan si Jimin and at the same time, excited dahil makikita na niya ang siyam na buwan niyang hinintay.



Sumama siya sa loob syempre kailangan niyang samahan ang kanyang asawa.

"Sige lang, hija. Ire ka lang!"



"AHHHHHHHH!" Sa pagsigaw ni Tiana, nasasaktan niya si Jimin pero mas ininda muna niya yung sakit dahil hindi naman 'to tulad ng sakit na nararamdaman ni Tiana ngayon.



"TIANA, PUSH!"



"AHHHHHHHHHHHHH! TANGINA MO, JIMIN! ANG SAKIT NITOOOOO!" This time, sinabunutan niya si Jimin. Pero tiniis niya lang kahit halos makalbo niya. Pero inintindi niya dahil nga masakit talaga.



Maya-maya lang, narinig na nila ang pag-iyak ng bata. Kaya naman napangiti at napaluha si Jimin. Tinignan niya si Tiana na nanghina na at nakatulog.




"Congratulations, Jimin. Daddy ka na.."



--



Ang baduy ng prologue. Pfft. Ito na, meron nang book 2. Dami kasi nagre-request eh. Hihi ♡

This is pure fiction. Don't plagiarize, that's a crime. Let's all be friends.



Date started: May 7, 2015

Date finished: xxx

ALWH 2: A New Life (Jimin Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon