New Life 27

872 42 15
                                    

SANDARA DE GUZMAN 

Pinagmamasdan ko lang tatlong bulinggit dito sa bahay nila Tiana habang sila ay nakikipaglaro sa aking asawa na si Tyrone. 

Napapangiti ako habang nai-imagine ko na kung paano maging tatay si Tyrone. Hindi ko alam na mauunahan pa kami ni Tiana. Nakatatlong anak na sila ni Jimin pero kamiㅡfirst baby pa lang namin 'to. Dahil siguro 'to sa mga nangyari nong mga nakaraan. At dahil na rin sa sobrang pagka-busy niya sa hospital. 

"Magpalit na kayo sa taas. Kamren, ingatan mo ang kambal."

"Yes po, tito pogi!" Sabay nag-salute pa si Kamren kay Tyrone. Natawa na lang ako dahil panigurado na si Tyrone nanaman ang nag-utos kay Kamren na itawag sakanya ang tito pogi. 

"Kamusta ang napaka-gandang asawa ko? Gusto mo ba ng strawberries?" 

Napangiti ako. These past few days kasiㅡeto ang lagi kong hinahanap. Timing naman dahil tinanong niyaㅡbigla akong nag-crave don. 

"Yes, please." 

"Okay, wait here. I'll be back." 

Tumango ako. 

Maya-maya naman ay nandito na agad siya dala-dala ang mga strawberries na nasa mangkok. Nanggaling pa siya sa baguio para lang bumili nito dahil gusto niya fresh para daw makasiguro na safe ang magiging baby namin. 

Hindi ba, ang sweet niya? Daddy and husband material talaga. Kaya ngaㅡhindi ko pinagsisisihan na siya ang napangasawa ko eh. 

"Kain lang nang kain. Marami pa nyan sa ref natin." Nakangiti niyang saad habang nakatingin sa akin. 

"Salamat, honey!" Tuwang-tuwa kong sabi sakanya habang pinag-sasabay ang dalawang strawberries sa bibig ko. 

"Dahan-dahan. Eto may tubig." Tumango-tango ako habang nangingiti. 

Sobrang sarap ng strawberries. Sobrang sarap din magkaroon ng asawa na katulad ni Tyrone. Hay buhay. 

"Kamusta na kaya ang kapatid ko? Tsaka si Jimin, hindi man lang sinabi kung saan siya nagpunta." Panimula ni Tyrone. 

Napatigil naman ako sa pagkain. Oo nga. Meron nga palang problema. Ano naman kaya pumasok sa isip ni Jiminㅡbakit siya umalis nang hindi man lang nagsasabi? 

"Pero hindi ba sinabi mo kay Tiana na nakita mong umalis si Jimin?"

"Oo pero nong nakita ko siya parang wala lang sakanya. Hindi siya nagsalita. Dire-diretso. Kaya pakiramdam koㅡmay nangyayari na hindi ko alam. May iba sa kilos niya eh." 

Napaisip din ako. Saan naman kaya pumunta si Jimin? Hindi ko maiwasang mag-alala kay Tiana. Nako panigurado nababaliw na sa kakaisip 'yon kung nasaan ba si Jimin. 

Tiana's POV 

Ngayon na ang uwi ko pero hindi ko alam kung mae-excite ako o ano. Dahil wala naman akong Jimin na madadatnan don sa bahay. Oo masaya ako dahil makakasama ko na ang mga anak ko pero iba pa rin kapag kumpleto. 

"Anong iniisip mo?" Napatingin ako sa nagsalita. Si Shantelle. 

Ngumiti na lang ako nang onti. "Naisip ko lang si Jimin. Alam ko kasi pag-uwi ko sa amin, wala siya eh." 

"Maaaring para sainyo rin ang ginawa niya. Kilala natin si Kuya Jimin. Mahal na mahal ka non. At hindi siya gagawa ng bagay na maaaring makasakit sa'yo." 

"Pero yung pag-alis pa lang niya nang walang paalam, Shan. Sobrang sakit na non para sa akin. Hindi ko kaya na nagigising sa umaga na wala siya sa tabi ko." 

"Onting tiis, ate. Maaayos din ang lahat. Walang problemang hindi nasosolusyunan. Maaaring may ginagawa lang si Kuya Jimin na importanteng bagay na ayaw ka na niyang i-involved don. Kasi nga 'diba? Sobrang dami mo ng problema. Baka ayaw niya lang idagdag pa sa iisipin mo." Natahimik na lang ako. May parte sa akin na gustong maniwala sa sinasabi ni Shantelle. Pero sana ngaㅡganon nga ang dahilan niya. "Magtiwala ka lang kay Kuya Jimin, ate."

Pagkarating ko sa bahayㅡang tahimik. Walang katao-tao. Malamang pinasyal nanaman nila Kuya Tyrone ang mga bata. Maganda na rin yung ginagawa nila para naman maaliw-aliw yung mga bata dahil sa pag-alis ng daddy nila. 

Naupo na muna ako sa mahabang sofa namin. Pagod na pagod ako dahil sa trabaho namin. Akala ko pa naman may sasalubong sa akin ngayon ngunit wala. 

"Hey, beautiful. How was your day?" Tanong sa akin ni Jimin pagkatapak na pagkatapak ko pa lang sa aming sahig. 

"Its goodㅡbut tiring."

"Change your clothes now and I'll cook your favorite food. Arasso?"

Napangiti naman ako. "Alright, my love. Thank you."

"Always welcome, my beautiful wife."


Eto nanaman ang iyak ko. Hay. Di na ako nauubusan ng luha. Ilang araw na akong umiiyak. Lalo na kapag naalala ko yung ganong routine. Yung pagka-uwi ko galing trabaho, kapag nauuna si Jimin sa akin maka-uwi, sasalubungin niya ako ng ganon. 

Sarap sa feelingㅡ

Pero anong nangyari? Asan na siya? 


Jimin, asan ka na ba?

XXXX

Pasensiya na kung di na ako nakakapag-ud ha? Sobrang bz meh ngayon kasi dahil sa research. Pero eto, di siya gaano mahaba, okeh? Mahal ko kayo! Sana buhay pa mga sumusuporta neto.

- Ate DQ's ❤

ALWH 2: A New Life (Jimin Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon