New Life 16

1.3K 54 7
                                    

HOSEOK'S POV

Bababa na sana ako sa van nila Jimin ngunit pinigilan ako ni Namjoon-hyung. "Hyung naman." Inis na saad ko.

"Hindi ka pwedeng bumaba mag-isa. Hintayin mo munang mawala ang mga lalaking nasa harap ng bodega."

Napakamot naman ako. Bwisit naman eh. Hindi ko pa nasasabi na mahal ko na si Eon tapos ganito? Tsk. 'Wag naman sana akong mahuli.

"Ikaw ha? Mahal mo naman pala si Eon, pinahirapan mo pa." Pang-aasar saakin ni Jin-hyung.

Napailing na lang ako. "Malay ko bang ngayon ko lang mare-realize na mahal ko na pala siya."

Hindi na sumagot si Jin-hyung. Tinawanan niya lang ako. Ako naman hindi na mapakali dahil ang tagal magsilayas ng mga lalaki doon sa harapan ng bodega.

"Kailan ba balak umalis ng mga tarantadong 'yan?!" Galit na saad ko.

Habang naghihintay kami. Napansin naming nagsisialisan sila. Kaya naman nabuhayan ako. Dahan-dahan kaming nagsibabaan. Nahuli si Jimin para magmasid sa likod. Hindi namin sinama si Tiana. Nandoon muna siya nag-stay sa bahay nila Tricia kasama ang mga bata.

Habang naglalakad kami, napatigil ako dahil natanaw ko agad si Eon. May takip ang bibig niya at nakatali siya sa isang upuan na may sandalan. Maski ang paa niya ay may mga tali.

"Shit!"

"Huwag kang maingay, J-hope! Kapag tayo narinig dito, baka hindi mo na masabi kay Eon na mahal mo siya." Bulong ni Jin-hyung. Napakamot ulit ako.

"Hyung, dito may daan." Sabi ni Taehyung saka tinuro ang sinasabing daan patungo kila Eon.

Nagsisunudan naman sila Suga. Nahuli ako. Sinusundan ko lang sila. Hanggang sa may naramdaman ako sa likuran ko.

"Taas mo kamay mo." Boses ng isang lalaki. At naramdaman kong diniin niya sa likod ko ang dulo ng baril na hawak niya.

Dahan-dahan kong tinaas ang kamay ko at may nakita akong pahabang kahoy na nasa gilid ko. Kaya naman hindi ko pa natataas ang kamay ko ay mabilis kong kinuha ang kahoy at hinampas malakas sa ulo niya.

Lahat sila napatingin saakin. Hanggang sa lahat ng kalaban ay napansin kami kaya lahat sila ay sumugod. Wala naman kaming ibang nagawa kundi lumaban.

Tumakbo ako at nilalagpasan ang mga naglalaban-laban. May sasalubong dapat saakin at susuntukin ako ngunit naunahan ko siya. Tinadtad ko siya ng suntok saka siya nawalan ng malay.

Mayroon naman nanipa sa likod ko kaya nasubsob ako ngunit mabilis akong tumayo at sinipa ang kanyang dibdib kaya napatumba rin siya. Tumayo ako't tinapakan ang dibdib niya. Nang maramdaman kong lalaban pa sana siya madiin kong tinapakan ang dibdib niya saka siya nawalan ng malay.

Napatingin ako sa gawi ni Eon. Umiiyak na siya habang pinapanood kami. Tumingin ako sa mga kaibigan ko. Mukhang napapatumba naman nila ang mga balasubas na mga lalaki.

Nagtungo ako sa gawi ni Eon ngunit napatigil ako nang may mabilis na lalaki na tumakbo sa tabi niya at may tinutok na baril sa may gilid ng ulo niya.

"Lumapit ka..mababasag ang bungo nito." Sabi nong lalaki.

Tila na-estatwa ako. Hindi ako pwedeng gumalaw dahil onting pagkakamali ay mamamtay si Eon. Ayokong mangyari 'yon, tangina 'di ko alam gagawin ko.

Nagulat ako dahil sa likod nong lalaki. Nandoon si Jimin. May dala-dalang pahabang kahoy na hawak ko kanina. Mabilis niya 'yong hinampas sa ulo ng lalaki nang maraming beses upang ito ay mawalan agad ng malay.

Sumugod ako kay Eon habang nilalaban ni Jimin ang natitirang lalaki na buhay pa.

Napatingin ako kay Eon at hinawakan ang magkabilang pisngi niya. "Andito na 'ko, Eon. You're safe now." Tinanggal ko ang nakadikit sa bibig niya. Ang tali sa kamay at paa niya.

ALWH 2: A New Life (Jimin Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon