New Life 34

627 29 14
                                    

Naiwan na nakanganga si Tiana doon sa kwarto matapos niyang marinig ang sinabi ng kanyang asawa.

Trust me on this, baby.

Paulit ulit na nagre-reply sa utak niya ang sinabi ni Jimin kanina. Hindi niya alam pero lumuwag ang kanyang paghinga nang marinig ang mga salitang 'yon. Ramdam niya na may pinaplano ang kanyang asawa. 

Napaupo siya sa kama. Iniisip niya kung ano ang balak ng kanyang asawa. Pero isa lang nasa isip niya, pagkakatiwalaan niya ang ang asawa niya ngayon. 

"Huwag mo akong biguin, Jimin." Sambit niya.


HABANG NAGLALARO ANG MGA BATA, nakatingin lang si Jimin sakanila. Iniisip niya lahat ng pinaplano niya para mailigtas ang kanyang asawa at mga anak niya. Dahil hangga't nandito sila, hindi sila magiging ligtas. 

"Hi hon!" Narinig niya ang pagbati sakanya ni Jannina. 

Ngumiti siya nang alanganin. Saka sinalubong ang yakap ni Jannina. "I missed you." Bulong ng babae. 

Napangiwi naman si Jimin. Kung hindi lang dahil sa asawa't anak niya, hindi niya gagawin 'to. "I-I missed you, t-too." 

"Kamusta ang mga anak natin?" 

Napailing na lang siya. Nababaliw na nga talaga siya. Hindi alam ni Jimin kung paano ang ginawa niya para mapalabas ni Chunji 'to. Hindi pa magaling eh. Inaangkin niya ang mga anak nila ni Tiana. 

"T-they're fine.." Tanging nasagot na lang niya. 

"My babies!" Bati ni Jannina. 

Ito namang nga anak ni Jimin ay lumapit sakanya at niyakap siya. "Mommy!" 

Napangiti na lang si Jimin. Sinabi niya sa isip niya, "mga anak ko nga 'to" 

Habang niyayakap sila ni Jannina halata mo sa mga mukha nila na ayaw nila 'tong yakapin. Kung hindi lang din dahil sa kanilang ina, hindi sila papayag sa gusto ng kanilang ama. 

"Kamusta kayo? May dala akong foods para sainyo. Tsaka toys!" Masiglang sabi ni Jannina.

Kunwaring natuwa ang mga bata atsaka napatingin sa kanilang ama. Kinindatan na lang sila ni Jimin saka tumango. 

Hinayaan niya na lang ang mga anak niya at si Jannina na maglaro. Kahit labag na labag sa kanya na gawin 'to, kailangan talaga. Eto na lang ang natitirang paraan para malayo na sa kanila ang babaeng 'to. 

"Pare.." Narinig niyang tawag sa kanya ni Chunji. "Nagdala ako ng pagkain sa kwarto kanina ni Tiana. Ayaw niyang kumain eh."

"Pabayaan mo siya kung ayaw niya. Malaki na siya, kaya na niya sarili niya." Narinig niya naman kung paano tumawa nang mahina si Chunji.

Napailing siya at napahawak sa kanyang noo. Nagaalala na siya sa asawa niya. Ilang araw ng hindi kumakain. Ang tagal kasi maayos ng private plane niya para mapadali na ang plano niya. Para din malayo na niya ang mag-iina dito sa lugar na 'to.

"Nina, tama na muna 'yan. Pagod na ata ang mga bata. Pagpahingahin mo muna sila." Napatingin naman si Jannina sa gawi nila.

"Sige, kuya." Pag-sang ayon niya. "Oh, paano mga anak. Doon na kayo sa kwarto niyo ah? Bukas na ulit tayo maglaro." Sumunod naman ang mga bata lalo na nong sinenyasan sila ni Jimin. Pumasok na sila sa kanilang kwarto.

Dumiretso naman si Jannina sa gawi ni Jimin at saka umupo sa hita nito. "Hi mahal ko. Tulog na tayo?" Nakangiting sabi niya.

Agad naman na tumayo si Jimin dahil sa hindi niya kaya ang ganong pwesto nila. Mas mabuti pa kung si Tiana 'yon, ngunit hindi. "Aray ko naman, love." 

ALWH 2: A New Life (Jimin Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon