New Life 10

1.9K 72 19
                                    

Tatlong araw. Tatlong araw na kaming nandito sa hospital. Hindi ako mapakali. Tumatak sa isipan ko yung sinabi ni Tricia. Bakit gano'n? Parang lahat ng problema dati bumabalik ngayon? Ba't parang lumalala ngayon? Kasi nadadamay na yung mga anak ko.

"Tin.."

Naramdaman ko ang mahigpit na yakap ni Jimin mula saaking likod. Ito rin naman ang kailangan ko eh. Ang isang mahigpit na yakap mula sa asawa ko. Kay Jimin lang naman kasi ako kumukuha ng lakas. Kapag wala siya, sobrang nanghihina ako.

"Nandito lang ako, Tin. Alam mo namang hinding-hindi ko hahayaang may mangyaring masama sainyo, 'diba? Katulad dati, hahanapin ko kung sino ang gumawa niyan kay Kamren. Hindi ako titigil hangga't hindi napaparusahan ang kung sinumang walang'yang taong 'yon." Dahil do'n, nagsibagsakan ang mga luha ko. Wala rin akong ibang nagawa kundi yumakap na lang sakanya. Yung sobrang higpit.

"Chim, hindi ko alam gagawin ko kapag may nangyari kay Kamren. Mababaliw ako kapag mawawala siya sa'kin. Satin.."

"Hindi siya mawawala, okay? Tsaka na-check nanaman daw, 'diba? Okay na si Kamren. Pero 'di natin alam kung kailan siya magigising. Basta alam nating okay na, maging positibo na lang tayo. Hinding-hindi siya papabayaan ng Diyos." Tumango-tango na lang ako at lalong humigpit ang yakap ko sakanya.

"M-mommy.." Nanlaki ang mata ko nang marinig ko ang boses ni Kamren. Kumawala ako sa yakap ni Jimin at nakita kong gising na ang anak ko.

"Oh my God, Kamren.." Agad akong lumapit at hinawakan ang kamay niya. "Baby..baby.."

"M-mommy...D-daddy.."

Patuloy lang ang pagtawag niya sa'min ng Daddy niya kaya naman inutusan ko si Jimin na tumawag ng doctor. Wala pang ilang minuto, nagsidatingan na sila at ni-check si Kamren.

"Doc, ano na pong lagay ng anak namin?" Tanong ko.

Lumingon sa'min ang doctor. Ngumiti siya sa'min. "Okay na ang anak niyo, Tiana and Jimin. Nawala na ang lason sa katawan niya. Naging maganda ang pagpapahinga ng tatlong araw. At dahil sa mga test na ginawa namin sakanya."

"Maraming-maraming salamat po." Maluha-luha na sabi ko at nag-bow ako sakanya. Lumabas na sila. Tumingin ako kay Kamren na ngayon ay nakatingin sa'ming dalawa ni Jimin.

"Baby, how are you? Are you okay now?" Sunod-sunod na tanong ko. Nakita ko naman tinaas niya ang right hand niya at nag-thumbs up siya. Ngumiti naman ako at hinalikan ang kamay niya. "Thank, God you're okay. My baby's okay.." Niyakap ko si Kamren at gano'n rin ang ginawa niya sa'kin.

Lumipas ang isang linggo. Naka-ready na kami sa pagpunta ng korea. Nandito rin sila Taehyung upang tulungan kami sa mga bagahe namin. Ilang weeks din kasi kami do'n. Para lang makaiwas sa masasamang loob at para maipasyal na rin namin si Kamren at yung kambal.

"Mamimiss kita, bes! Dalhan mo 'ko ng poster ni Chen, ha? O kaya kahit si Chen na mismo ang dalhin mo dito!" Sabi ni Tricia kaya naman binatukan ko siya.

"Chen ka ng Chen, andito naman ako. 'Di pa ba ako sapat?!" Pagmamaktol ni Taehyung. Tinarayan lang siya ni Tricia. Kaya naman nagtawanan kami. Kawawa naman si Taehyung. Alien kasi eh.

"Dalhan mo na rin kami ng maraming-maraming kimchi, Tiana. Tsaka yung noodles na masarap do'n." Request ni Suga.

"Oo na, oo na. Lahat kayo dadalhan ko, okay? Sayang ang saya pa naman ata ngayon sa namsan tower. Sumama na lang kaya kayo?" Pabiro kong sabi.

"Nako kapag na-miss namin kayo ng sobra, susunod kami doon." Sabi ni Tricia na ngayon ay nakayakap na kay Taehyung.

"Mooooommmmmy!" Halos mabingi kami sa sobrang lakas ng boses ni Savannah at Sienna. "Daaaadddddy!"

ALWH 2: A New Life (Jimin Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon