Nakarating sila Tricia sa amin. Mabuti na lang at hindi naman nagising ang kambal pati si Kamren. Dala-dala ni Tricia si Harvey at Hailey. Ang mga anak naman nila Jungkook ay nandito rin.
"What's wrong?" Tanong ni Jimin nang makababa siya. Pinupunasan niya pa ang kanyang buhok dahil siya ay bagong ligo.
"May nangyari nanaman ba?" Tanong ko. Nanginginig ako. Isang buwan na ang lumipas. Wala naman ng nangyari pero ngayon? Baka bumalik nanaman.
"Wala naman. Pero lagi na kaming nakakatanggap ng mga babala. Tapos may mga manika na parang katulad ng pinapadala kay Tiana." Napatingin ako kay Tricia. Pati sila? Pinapadalhan na din?
"Pero hindi ko alam kung ako lang ba. Pero kasi yung mga manikang 'yon...katulad ng manikang pinakita mo sa amin noon, Tiana." This time..kay Taehyung naman ako tumingin. Anong ibig sabihin niya?
"May tatlong bata din. Katulad din nong pinadala sa'yo, Tiana. Isang lalaki at dalawang babae." Pagpapatuloy niya.
"Diyos ko.." Biglang entra ni Ate Sandy. Nandito na rin pala siya.
Si Kuya Tyrone.
"A-ate Sandy...pwede po bang tawagan mo si Kuya? P-pakikamusta naman po siya oh.." Baka mamaya kung ano na mangyari sakanya. Tumango naman si ate at tinawagan si Kuya.
"Pero iba sa akin." Lahat kami tumingin kay Jungkook. "Pigura ng dalawang bagong kasal. Pero 'diba dapat magkadikit 'yon? Sa akin kasi...magkahiwalay. At para bang..sinira talaga.." Lalo akong kinabahan. Yung tibok ng puso ko lalong bumilis. Nanginginig na din ang mga kamay ko. Diyos ko, hindi ko na kaya ito. Mukhang isusunod na nila ang mga anak ko.
H-hindi ko kaya. Huwag naman sana umabot sa ganoon.
"Tiana..."
Hindi ako makahinga. Naninikip nanaman ang dibdib ko.
"Shit. Tiana!"
Ang boses ni Jimin ang huli kong narinig bago ako nawalan ng malay.
Nagising ako. Punong-puno ng kahon ang kwartong 'to. Napahawak ako sa ulo ko. Ang sakit. Ano bang nangyari?
Nilibot ko ang tingin ko. Para akong nasa isang warehouse. Biglang bumalik ang nakaraan. Parang...parang nangyari na 'to ha?
"Tiana.." Napatingin ako sa pintuan. Nakita ko si...Jannina. Shit. "Long time no see."
"J-jannina.." Sambit ko. Gagalaw na sana ako nang maramdaman kong nakatali ang dalawang kamay ko sa poste na ito. "H-hindi ka pa rin nadala."
Nginitian niya ako. "Gusto mong makita mga anak mo?" Nanlaki ang mga mata ko. A-ang mga anak ko?
"Mommy.."
Ang mga anak ko. Sht. Ano bang nangyari? Bakit parang wala akong naaalala.
"K-kamren.." Sambit ko. "Savannah...Sienna.." Umiyak na ako nang tuluyan. Katulad ko...nakatali din ang kanilang mga kamay.
"Any last words...before I kill them?"
"No...no..please..."
"Before that, I have to tell you something.."
"A-ano 'yon?"
"Ikakagulat mo 'tong sasabihin at ipapakita ko sa'yo."
Kumunot ang noo ko. Hanggang sa may nakita akong lalaki na pumasok. Nanlaki ang mata ko nang makita ko kung sino ang lalaking 'yon.
N-no..this isn't real.
"J-jimin..."
Nakangiti siya sa akin. Ang kamay niya ay nasa bewang ni Jannina. P-paano...paanong nangyari?
BINABASA MO ANG
ALWH 2: A New Life (Jimin Fanfiction)
FanfictionTuklasan ang bagong buhay ng mag-asawang si Tiana at Jimin kasama ang bagong miyembro ng kanilang pamilya. A Life With Him book 2. @-deerqueen