New Life 32

922 38 73
                                    

"Jimin.." 

Hinihintay kong may sabihin siya sa akin. Ngunit wala.. nakatingin lang siya sa akin. Walang emosyon. Wala akong nakikitang pag-aalala sa mga mata niya. 

Kaya wala naman akong ibang nagawa kung hindi ang umiyak. Ang kinakatakutan ko noon.. eto na. Nangyayari na. Lahat ng mga panaginip ko.. nagkatotoo na. 

Bakit? Anong kasalanan ang nagawa ko.. bakit ako pinaparusahan nang ganito? 

"Anong sabi ko, Tiana? Kahit anong mangyari.. sa akin babalik si Jimin." Wala sa sariling napatingin ako kay Jannina. "First love never dies talaga." Narinig ko naman ang mahina niyang pagtawa. 

Napangisi naman ako. Wala na akong ibang magawa. Dahil ito na. Nakikita na ng sarili kong mga mata. Si Jimin.. mas pinili niya si Jannina. Hindi niya man lang inisip ang anak namin. Kaya pala nagmamadali na lang siyang umalis noon. Kunwari pa siyang walang alam na nakalabas na si Jannina sa mental hospital noon. If I know.. kasabwat siya sa paglabas kay Jannina doon. 

Hindi pa rin ako makapaniwala na nangyayari lahat ng 'to. Akala ko ba.. akala ko ba mahal ako ni Jimin? Bakit.. bakit nangyayari nanaman ata ang nangyari noon? 

Hawak pa nila ako mga anak ko. Hindi na sila naawa sa akin. Ano bang ginawa ko sakanila? 

"Ibalik mo na sa akin ang mga anak ko. Nakuha mo na si Jimin. Ayan naman ang matagal mo ng pangarap, hindi ba? Sa'yo na siya." Tinignan ko si Jimin. "Ikaw? Hindi mo na inisip ang mangyayari sa mga bata? Wala ka ba talagang pakialam? Ang lakas ng loob mong gawin 'to." 

Halo halo ang nararamdaman ko ngayon. Galit, poot, lungkot. Mixed emotions. Hindi ko na alam. 

"Hindi ka pa rin talaga nagbago, Jimin. Akala ko wala na tayong magiging problema. Sige, eto ang pinili mo? Panindigan mo. Ibigay mo sa akin ang mga anak ko. Hindi ka karapat-dapat na maging ama nila. Wala kang kwenta!" 

Hinihintay ko siyang sumagot ngunit wala talaga. Umalis na lang sila ni Jannina bigla. Kaya ako.. napaupo na lang sa sahig.

Ang mga anak ko.. gusto ko na makita ang mga anak ko. 

MAKALIPAS ang ilang minuto, nandito pa rin ako sa kwartong 'to. Wala akong ibang iniisip kung hindi ang mga anak ko. Nababaliw na ako kakaisip kung ano na ba ang nangyayari sakanila. Nanay nila ako pero bakit ganito.. wala akong magawa para mailigtas man lang sila. Dapat nagiging matapang ako.. pero parang nanghina ako bigla. 

Lalo na nang makita ang asawa ko.. asawa ko na mas pinili ang una niyang minahal. Bakit.. bakit niya pa ako pinakasalanan kung mahal niya pa rin si Jannina? Dapat nagsama na lang silang dalawa sa mental hospital.

Hindi ko lubos maisip na mangyayari ang lahat ng 'to. Hindi ko alam na mangyayari ang napanaginipan ko. Akala ko hanggang doon lang iyon. Pero hindi ko alam na nagkatotoo. Ito ang pinakakinatatakutan ko sa lahat. Ang magbago ang lahat dahil sa pagmamahal ni Jimin kay Jannina. Akala ko kasi maayos na lahat. Mahal ako ni Jimin, mahal ko siya. Pero hindi ko alam na dadating yung araw na 'to. Ang sakit sa puso. Ang sakit sa dibdib. 

ALWH 2: A New Life (Jimin Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon