"Hey wife.." Napatingin ako kay Jimin na ngayon ay kakaupo lang sa kama. "Wife..I love you.." Sambit niya na nakapag-pangiti saakin. Lumapit pa siya lalo saakin. Inalis niya ang unan na yakap-yakap ko at siya naman ang yumakap saakin. "Don't worry. Sinabihan ko sila hyung na doon muna sa kwarto nila Kamren.."
Ngumiti ako. "S-salamat, Chim."
"Anything for my queen.." Humigpit din ang yakap ko sakanya. "Gagawin ko ang lahat para 'wag lang kayo mapahamak. Hinding-hindi ako papayag na mangyari sainyo ang lahat ng pinepresinta ng mga manikang 'yon. Hinding-hindi.."
"O-okay lang naman saakin, Chim kung ang mga bata na lang ang iligtas mo. K-kaya ko naman ang sarili-"
"Damn it, wife! Sa tingin mo papayag ako na mapahamak ka?! No and never! Ikakamatay ko kapag may nangyaring masama sa'yo!"
Napapikit ako nang mariin. Kung kanina mahigpit ang pagkakayakap niya saakin..lalong pa niyang hinigpitan. "I love you so much, my wife.." Naramdaman ko rin ang paghalik niya sa leeg ko.
"Mas mahal kita, Chim. Sobra pa sa sobra.."
Kinaumagahan.
Pagdilat ko ay tumambad agad saakin ang gwapong mukha ni Jimin. Kaya napangiti ako bigla. Mahimbing pa siyang natutulog. Kaya naman hindi ko muna siya ginising.
Bumaba agad ako para maghanda ng almusal. Habang ako'y nagluluto napapatingin ako sa bintana kasi parang may kakaiba akong nararamdaman pero hindi ko na lang pinapansin.
Gumawa ako ng hot chocolate para sa lahat. Lalo na ang mga bata. Paborito nila 'to eh. Iche-check ko na sana ang niluluto ko nang biglang-
"Waaaaah!"
May tumambad saakin na manika na kamukha ko kaya na-out of balance ako't natumba. Paatras ako nang paatras hanggang sa maramdaman ko ang isang kamay na humawak sa braso ko.
Napahinga ako ng maluwag nang makita ko si Jimin. "Shit. What happened to you, wife?! Why did you scream?!"
Tinuro ko sakanya yung manika na nasa bintana. Hanggang ngayon nandoon pa rin talaga. Nagsisunudan naman ang iba. Si Namjoon at Jin. Ang iba ay hindi, siguro tulog pa't binabantayan sila Kamren.
"Hyung, pa-check naman yung garden." Utos ni Jimin kay Jin. Sumunod naman ito at lumabas ng kusina.
Nakita namin siya na nandoon na sa garden. Kinuha niya ang manika. Kaya naman itinayo ako ni Jimin at lumapit doon sa bintana. "Anong mayroon diyan?"
"Parang naka-set up na talaga 'to eh. Kasi para may tali 'to sa baba tapos parang garterize. Alam mo sa mga palabas? Yung bigla na lang tatambad sa'yo?" Saad ni Jin na nakapag-panginig saakin. "Pero nakakapagtaka. Bakit biglang gumalaw ito..eh wala naman nagko-control sakanya. Kasi may lock oh. Kapag in-unlock mo lang doon biglang tatambad sa'yo." Nabitawan ko ang spatula na hawak-hawak ko. So..habang nagluluto ako..mayroong tao sa garden?
"Tangina. Mukhang pati sa bahay..hindi tayo safe." Sambit ni Jimin. "Akyat lang ako. Puntahan ko lang sila Kamren. Hyung, kayo na bahala kay Tiana." Tumango naman sila.
"Ako na ang magluluto, Tiana." Sabi ni Jin. Tumango naman ako at ngumiti sakanya.
Nandito kaming dalawa ni Namjoon sa sala. Ni-lock na muna namin ang pintuan palabas ng garden. Pati na rin syempre ng main door. Lahat ng pinto palabas ay ni-lock namin. Nakakatakot. Ano bang gusto ng taong 'to? Bakit hindi na lang siya magpakilala para magkaharap na kami? Natatakot ako talaga para sa mga anak ko.
"Oppa.." Sambit ko. Tumingin naman saakin si Namjoon. "Natatakot ako, oppa.."
"Don't be, Tiana. Sa dami namin na poprotekta sainyo? Wala ka dapat ikatakot dahil nandito lang kami at hindi ka namin papabayaan. Lagi mong tatandaan 'yan." Hinagod niya ang likod ko. Ako naman ngumiti sakanya. "Maging malakas ka para sa mga anak mo, Tiana. Hindi ka dapat pinanghihinaan ng loob. Lalaban si Jimin para sainyong mag-iina."
BINABASA MO ANG
ALWH 2: A New Life (Jimin Fanfiction)
FanfictionTuklasan ang bagong buhay ng mag-asawang si Tiana at Jimin kasama ang bagong miyembro ng kanilang pamilya. A Life With Him book 2. @-deerqueen