Katulad ng sinabi ko kagabi...ngayon ay binabantayan ko si Jimin na matulog sa tabi ko. Mga 7am na ako nagising. Mga dalawang oras pa lang ang tulog ko. Hinayaan ko lang muna si Jimin na matulog.
Tsaka maya-maya ay dadating si Ate Sandy tsaka mga anak ko kasi dadalhan daw nila kami ng pagkain na luto ni Kuya Tyrone. Ngayon siguro nasa kumpanya na siya. At alam kong..sinunod niya ang sinabi ko na magkaroon ng driver. Para na rin iyon sa safety niya. Ayoko siyang madamay sa gulo.
Naramdaman ko ang paggalaw ni Jimin. Nakatalikod kasi siya sa akin. Kaya ngayon ay nasa harapan ko na siya. At katulad ng nakagawian niya, niyakap niya ako at bumalik sa pagtulog.
Ngumiti ako. Hinahaplos-haplos ko lang ang kanyang buhok. Binuksan ko na lang din ang TV para na rin may libangan ako. Dahil maya-maya'y alam kong nandito na sila Ate Sandy.
Napatingin ako sa side table nang marinig kong ang pag-vibrate nito. Nakita ko ang phone ni Jimin iyon. Tumingin ako sakanya at mahimbing na mahimbing siyang natutulog.
Kinuha ko iyon at tinignan ko kung sino ang nag-text sakanya. Un-registered ang number. Kumunot ang noo ko. Dahil alam ko ang password niya, binuksan ko at ni-view ko rin ang message.
Message: Hey, honey. Let's meet later. Can't wait to see youuuu!
Halos maningkit ang mata ko nang makita ko iyon. What the hell?! Sino naman 'tong nagte-text sa asawa ko? At talagang honey pa ang tawag niya?!
Hindi kaya wrong send lang 'to? Oh baka naman pinagtitripan si Jimin? Oh baka naman matagal na 'tong ka-text ni Jimin hindi niya lang sinasabi sa akin?!
"Tiana!"
"Mommy!"
Napatingin ako sa pintuan at nandoon na si Ate Sandy at mga anak ko. Binitawan ko ang phone ni Jimin at inilagay ulit sa side table.
Ngumiti ako sakanila. Yung tatlong anak ko nagsipuntahan sa akin at humalik sa pisngi ko. Nakipag-beso rin sa akin si Ate Sandy.
"Handa ko lang 'tong almusal natin." Tumango ako.
Napatingin ako kay Jimin. Nagising na siya dahil sa mga bata. Nakasandal lang ako. Hindi naman siguro ako niloloko ni Jimin 'diba? Alam kong mahal niya ako. Pero bakit...sino naman 'yon?
Nagulat ako nang may biglang humalik sa pisngi ko. Si Jimin lang pala. "Good morning, wife." Nakangiting bati niya sa akin. Ngumiti na lang ako at nanood ulit ng TV.
"Mag-almusal na tayo. Tiana, iinom ka mamaya ng gamot mo. Yung inhaler mo...huwag na huwag mong iwanan, okay?" Inabot niya sa akin ang inhaler ko. Kinuha naman bigla iyon ni Jimin at inilagay sa side table.
"Let's eat, wife." Tumango ako.
Share na kami ni Jimin sa isang plato. Sinusubuan niya na rin ako. Habang kumakain kami hindi pa rin mawala sa isip ko yung nag-text sa akin.
Maya-maya lang ay biglang nag-ring nanaman ang phone ni Jimin. Kinuha niya iyon at tinignan ang nag-text sakanya. Matagal siyang nakatutok doon. Nakita ko pang nagta-type siya. Ibig sabihin...nag-reply siya.
"Tin, kailangan ko munang umalis." Paalam ni Jimin tsaka siya humalik sa pisngi ko. "Babies, aalis lang si Daddy, okay?" Paalam niya naman sa mga bata.
BINABASA MO ANG
ALWH 2: A New Life (Jimin Fanfiction)
FanficTuklasan ang bagong buhay ng mag-asawang si Tiana at Jimin kasama ang bagong miyembro ng kanilang pamilya. A Life With Him book 2. @-deerqueen