New Life 26

1K 47 11
                                    

"Tiana!" Nagulat ako nang makarinig ako ng isang boses na punong-puno ng galit.

Si Manager Kim. Agad akong napatayo at humarap sakanya. Hindi ko alam kung bakit siya galit pero alam kong may ginawa akong mali.

"Ano 'tong mga 'to?" Binigay niya sa akin ang mga kuha ko kanina. Nakita kong puros malalabo ang kuha ko at wala man lang ni isang malinaw.

Napamura ako. Bakit ganon? Ang alam ko maayos 'to. O talagang hindi ko lang namalayan kanina?

"First time mong magkaganito, Tiana. Bakit? May problema ba? Sabihin mo sa akin," Sabi niya at parang yung galit niya biglang napalitan ng pag-alala.

Pagkasabi niya non ay bigla kong naalala si Jimin. Umalis daw siya sa bahay at may dala-dalang maleta. Gustong-gusto kong umuwi. Pero hindi ko magawa. Hindi ko na alam gagawin ko.

"Dahil ba don sa hindi ko pagpayag na umuwi ka?" Hindi ako nakasagot. Dahil iyon naman talaga ang totoo. Pero ayoko naman sabihin 'yon sa harapan niya. "Gaano ba kaimportante 'yan at pati trabaho mo hindi mo maayos-ayos?"

Nanatili akong tahimik. Tinignan ko ang mga kasamahan ko. Nakatingin lang sila sa akin. Maski sila ay hindi naman alam ang nangyari. Napatingin ako kay Chunji. Nakakunot ang noo niya habang nakatingin sa akin.

"H-hindi naman po importante. O-okay lang po. Aayusin ko na po."

Nagbihis ulit si Chunji at inulit ang ginawa kanina. This time, sinigurado ko na talagang maayos na ang mga kuha ko. Ayoko ng masigawan ni Manager Kim. Nakakatakot pala siya kapag ganon.

"Okay, very good!" Sigaw ni Manager Kim at nag-thumbs up pa sa akin. Ngumiti na lang ako at nag-bow bilang paggalang sakanya.

Nagtungo ako sa van na pinagbihisan ni Chunji. Naupo ako at doon ko na binuhos ang luha kong kanina ko pa pinipigilan. Hindi ko na kaya. Gustuhin ko mang umuwi pero hindi ko magawa.

Pagtapos nong pag-uusap namin ni Kuya Tyrone, hindi ko na ulit siya matawagan. Kung maaari ayokong malaman kung anong nangyari pagtapos niyang sabihin sa akin na umalis si Jimin.

Hindi ko na alam. Ano bang naisip ni Jimin at bigla siyang umalis? Bakit siya may dalang maleta? Bakit ganon?

Bigla ko na lang din naalala yung nangyari nong birthday ni Kuya Tyrone. Nong narinig ko na may kausap siya. Ayon kaya ang dahilan kung bakit umalis si Jimin?

Marami na akong naiisip. Hindi ko na alam gagawin ko. Gustuhin ko mang umuwi ngayon pero hindi talaga pwede.

"Ate Tiana.." Lumingon ako sa babaeng kakapasok pa lang. Si Shantelle. Nginitian niya ako. "Ano bang problema?"

Umiling ako. Narinig ko naman ang pag-"tsk" niya. "Sige, ate. Hindi kita pipilitin. Pero, please lang. Huwag mo naman sana kalimutan na nandito lang ako para sa'yo. Hindi ba sabi mo para na tayong magkapatid?" Tumango naman ako at ngumiti sakanya.

"Sige na, Shan. Baka magalit pa si Manager Kim. Baka kailanganin ka na pala don."

"Sige po, ate. Basta kung may kailangan ka, tawagin mo na lang ako." Tumango ako.

Buong magdamag akong nandito sa van. Hindi ko na alam kung anong nangyayari sa labas. Kanina pa rin nagri-ring ang phone ko, pero hindi sumagi sa isip ko na sagutin 'yon. Galing lahat 'yon kay Kuya Tyrone.

Ayoko. Ayoko talaga. Ayokong marinig yung kung anumang sasabihin niya. Natatakot ako.

Hindi ko pa rin maisip ang dahilan kung bakit umalis si Jimin na wala man lang pasabi. Hindi ko maisip.

Pilit kong binabalikan ang pangyayari bago siya kumilos ng kakaiba. Wala naman kaming naging problema. Pero bakit ganito? Bakit siya umalis? Anong nangyari?

Ano na lang sasabihin ng mga anak namin? Maski ba sakanila ay hindi siya nagpaalam?

Hay. Hindi ko na alam gagawin ko. Hindi na ba talaga matatapos ang problema na meron ako?

"Yana." Hindi ko na lang muna nilingon si Chunji. "Tinatawag ka na sa labas. Magdi-dinner na tayo."

"Hindi ako kakain."

"Tsk. Hindi pwede. Kailangan mong kumain. Alam mo naman na sunod-sunod ang trabaho natin."

Hindi na lang ako sumagot. Tinatamad na rin akong magsalita. Hindi ko na alam sasabihin ko.

"Yana-"

"Chunji, hayaan mo na muna ako. Gusto ko mapag-isa. Ayokong may masakit na masabi sa'yo. Please? Iwan mo muna ako."

Rinig ko ang pag-buntong hininga niya. "Sige, Yana. Hahayaan na muna kita. Pasensiya na."

Napasandal na lang ako ulit sa upuan at doon biglang bumuhos ang mga luha kong naipon. Hindi ko alam na may iluluha pa pala ako. Dahil simula kagabi ay wala nang tigil ang pag-iyak ko.

KINAUMAGAHAN.

Nagising na lang ako na nasa kama na ako. Hindi ko na lang pinansin kung sino ang nagdala sa akin dito dahil alam ko naman na walang ibang pwedeng gumawa non kundi si Chunji.

"Yana?"

Halos mapatalon ako sa gulat. Hindi ko naman alam na nandito pa rin pala sa loob si Chunji. At nakita kong kakagising lang niya. Nakahiga pa siya doon sa may sofa.

"A-akala ko gising ka na.."

"Nagising ako kanina mga 5AM. Pero naalala ko na sabi ni Manager Kim, 10AM pa daw ang start ng shoot."

Tinignan ko ang wristwatch ko. 9:05AM pa lang. May onting oras pa ako para mag-ayos.

"Ako na lang muna maunang maligo ha? May kailangan pa kasi akong eh." Sabi ko at dumiretso na sa banyo nang hindi man lang hinintay ang kung anuman ang isasagot niya.

Nang makababa ako sa lobby, hinanap ko agad sila Shantelle.. na agad ko namang nakita. Pero hindi nila kasama si Lawrence.

"Ate Tiana!" Tawag ni Shantelle.

Ngumiti naman ako. "Asan si Manager Kim?"

"Nagpapahinga lang saglit. Si Rence, bumibili ng gamot ni Manager." Sabi naman ni Annie. 

"Bakit? Inatake nanaman ba siya?"

"Medyo hindi lang kinaya. Tirik na tirik kasi ang araw ngayon."

"Ganon ba? Sige. Tawagin niyo na si Chunji. Ako na muna bahala dito."

Nang matapos ang trabaho namin.. pinagpahinga na muna namin si Manager Kim dahil medyo nilalagnat siya. May dalawang araw pa kami para tapusin 'tong project namin.

Onting tiis na lang naman eh. 

Kinuha ko ang phone ko. Wallpaper ko si Jimin. Napapangiti talaga ako kapag nakikita ko siya. Kahit man lang litrato niya.

Hinalikan ko iyon, "Dalawang araw na lang, mahal ko. Sana pagbalik ko.. nandon ka na sa bahay. Sana hindi mo ako tuluyang iniwan.."

-

Pasensiya na kung ngayon lang ako nakapag-update. PASENSIYA NA TALAGA! SOBRANG HIRAP MAGING SENIOR HIGH SCHOOL MGA BEH HAHAHAHA JUSKO SO AYON. SHORT UPDATE LANG TO. TRY KO SA SABADO PERO AYOKONG MANGAKO, OKAY? LABYU OL 💕

ALWH 2: A New Life (Jimin Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon