Ilang araw na ang lumipasㅡpero eto pa rin ako. Mag-isang sumasalubong sa bagong umaga. Bumuntong hininga ako. Kailan kaya siya babalik?
"Good morning, Mommy!" Napalingon ako sa pintuan at nandoon ang mga anak ko. May dala-dala silang tray.
Nauna sila Savannah at Sienna dito sa kama namin ni Jimin. Nilagay naman ni Kamren ang tray na sa table. Nakita kong may maraming fried rice doon at may apat na gatas.
Napangiti naman ako. Kakaisip ko kay Jimin ay nakakalimutan ko na ang mga anak ko.
"Babies, you want to go to the mall?" Kita ko naman kung paano nagliwanag ang mga mata nila. Pero unti-unti iyon naglalaho. "W-why? Is there something wrong?"
"Diba po sabi niyo.. there are still bad guys out there? We're not still safe, Mom." Malungkot na sabi ni Sienna.
Pinilit kong ngumiti kahit na mahirap. Dapat hindi nila nararanasan 'to. "I'll take care of you, okay? Ano pa at nandito si Mommy, 'diba?"
"Mom.. where's Dad?" Tanong ni Kamren. Maski ako anak, hindi ko alam kung nasan.
"Baka.. baka may inaayos lang. Alam niyo naman Daddy niyo. Sobrang busy." I lied. Napapikit ako nang mariin pero dumilat ako agad. "Maligo na kayo. Okay? Aalis na tayo." Dali-dali naman silang nagsilabasan ng kwarto. Alam kong excited na excited sila.
Habang ako naman ay napasandal na lang sa headboard ng kama. Hanggang kailan ako magsisinungaling sa mga anak ko?
Jimin naman.. ano bang iniwan mong problema sa akin? Akala ko ba sabay tayong haharapin ang problema? Pero.. wala ka.
Tinawagan ko si Tricia. Nasabi ko sakanya na aalis kami ng mga bata. Sinabihan ko na rin siya na sumama na para marami kami.
Nang makarating kami sa mall. Nadatnan agad namin sila Tricia. Kasama si Taehyung at ang dalawang bata.
"Tita Tricia! Tito Elyen!" Sabay-sabay na sigaw ng mga anak ko. Natawa ako sa tawag nila kay Taehyung.
"Hello, babies!"
Habang kami ay naglalakad. Dahil tulog nanaman si Harvey ay buhat-buhat siya ni Taehyung. Habang si Hailey naman ay nakahawak ang kamay kay Kamren. Hindi nga namin alam kung bakit hinayaan namin. Ang cute naman nilang tignan eh.
Si Sienna naman ay nakahawak sa akin. Si Savannah ay sa Tita Tricia niya. Habang ako ay nakahawak sa braso ni Tricia katulad ng lagi kong ginagawa.
"Wala pa rin bang balita sa asawa mo?" Yumuko ako at umiling. "Aba. Kailan niya ba balak bumalik? Kakaasar ha?"
"Chill ka lang. Baka naman may biglaang trabaho sa ibang bansa."
"Edi sana man lang nagtetext o tumatawag siya sa'yo 'diba? Kainis. Hindi na nga nagpaalam, hindi pa nagpaparamdam!"
Kesa naman ma-highblood 'tong kaibigan ko.. pinunta ko na lang siya sa isang kpop merchandise. Mabuti na lang at meron dito.
"Omg! Si Chen!" Diba? Si Chen lang naman makakapag-pakalma dito eh.
"Tss. Chen, Chen. Andito naman ako." Rinig kong bulong ni Taehyung. Natawa naman ako. "Hoy. Lika nga dali." Hinila niya si Tricia at pinunta doon sa side ng BTS. "Ayan. Ayan lang dapat ang tignan mo. Tignan mo? Ang gwapo gwapo ko dito 'diba? Jusko. Naghahanap ka pa ng iba eh!"
Napailing naman ako. 'Tong mag-asawang 'to talaga. Parang mga bata eh. Pero hindi naman kasi halata na may anak na sila. Ang bata pa rin kaya nilang tignan!
BINABASA MO ANG
ALWH 2: A New Life (Jimin Fanfiction)
FanficTuklasan ang bagong buhay ng mag-asawang si Tiana at Jimin kasama ang bagong miyembro ng kanilang pamilya. A Life With Him book 2. @-deerqueen