New Life 2

3.1K 111 16
                                    


TRICIA KATHERINE'S POV



Kasalukuyan kaming nag-iimpake dahil pauwi na kami sa pilipinas. Hinihintay na lang namin si Taehyung dahil meron daw siyang importanteng gamit sa coffee shop at sa restaurant.


"Hailey, come here." Sabi ko sa 7 years old kong anak.


Magkasing-edad lang sila ng anak ni Tiana na si Kamren. Siya si Hailey Lauren Kim. Siya lang ang nag-iisang babae ko. Tapos meron pa akong isang lalakiㅡkasing edaran lang ng kambal ni Tiana. Si Harvey Len Kim.


"Mommy! Harvey is crying again." Nakita ko naman na buhat-buhat niya na yung kapatid niya.


"Akin na muna. Mag-ayos ka na ng mga gamit mo do'n, okay?" Tumango naman siya atsaka umakyat sa kwarto niya.


Pinatulog ko na muna si Harvey. Pinainom ko na rin ng gatasㅡeto naman lagi katapat neto eh. Kaya tignan moㅡang himbing na ng tulog ngayon.

Si Haileyㅡsobrang swerte ko sa anak kong 'yan. Dahil sobrang maalaga. Kapag wala kami ni Taehyung dito sa bahay, never niyang pinapa-alaga sa mga maids ang kapatid niya. Kundiㅡsiya mismo ang nag-aalaga. Nagpapainom ng gatas nagpapatulog.


Kahit 7 years old pa lang 'yan at medyo wala pang masyadong alam sa mga gawaing ganitoㅡnatututo na rin siya dahil sa pag-aalaga sa kapatid niya. Sobrang bait na bata.


"Daddy is so tagal talaga!" Sabi ni Hailey habang bumababa ng hagdan at dala-dala ang mga toys niya.


Pero hindi ko rin alam kung bakit maarte ang panganay ko. Minsan may pagka-weirdo. Nagmana siya tatay niyang alien.


"Mommy, tawagan mo na si Daddy! Please? I badly want to see Kamren na!" Sabi ni Hailey habang sinusuklay ang nagkabuhol-buhol na buhok.


Napailing naman ako. Meron kasi 'tong gusto kay Kamren. Pinakita ko sakanya yung pictures niya. Ayonㅡcrush niya daw agad.


At dahil hindi ko mahindian si Hailey, tinawagan ko na ang asawa kong iba lahiㅡde joke.


[Hello? Miss mo na agad ako, Jagi?] Nai-imagine ko ang nakangising si Taehyungㅡjusko.


"Hindi. Yung anak moㅡpinagmamadali ka. Gusto na daw niyang makita si Kamren. Kaya ikaw, kung ano man ang ginagawa mo diyanㅡdalian mo na at umuwi ka na dito. Male-late tayo sa flight natin."


[Jagi naman. Akala ko ba naman namiss mo 'ko. Grabe! Nag-expect nanaman ako]


Napangiti naman ako at natawa ng mahina. Hindi pa rin nagbabago si Taehyung. Grabe. "Oo na. Namiss na agad kita. I love you, alien."


[Ayan ka nanaman sa alien. Tsk! Saranghae, Jagi. Mwaaaa!] Pagtapos non, binaba niya na yung call.


ALWH 2: A New Life (Jimin Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon