"Happy birthday to you. Happy birthday to you. Happy birthday, happy happy birthday. Happy birthday to you. Happy birthday, Kamren.."
Hinipan ni Kamren ang candle saka kami nagpalakpakan lahat.
Panganay ko. Si Kamren. Kamren Tristan Park. 7th birthday niya ngayon. At swimming party ang ginawa namin katulad ng hiling niya. Katulad niya 'koㅡmahilig talaga mag-swimming.
"Mommy! Mommy!" Napalingon naman ako sa kambal ko. Nagluwal pa ako ng dalawa pang angel two years ago. Fraternal twin sila. Mabuti nga't hindi naging identicalㅡkundi sigurado magkakaproblema tayo sa lovelife nito.
Si Savannah Maki Park tsaka Sienna Maki Park. 8 minutes ang pagitan nila. Hindi ko alam kung pa'no akong naka-survive sa gano'ng sitwasyon. Si Jimin naman kasiㅡgustong-gusto masyadong maraming anak. Hindi niya alam ang hirap umire ng bata ngayon.
"Yes babies?"
"Ice cream. We want ice cream." Hindi ko alam kung bakit two years old pa lang sila ang galing na magsalita. Mana ba talaga sila sa'kin? Tutal cumlaude naman ako. Pero grabe, ang astig ng kambal ko.
"Okay babies." Tumayo ako at tinawag si Jimin. "Yeobo! Bigyan mo ng ice cream 'tong kambal. Dalian mo!"
"Coming, Yeobo!" Nakita ko naman na tumakbo siya papunta sa'kin. At hinarap ang kambal. "What do you want, my angels?" Tanong ni Jimin.
"Daddy, we want ice cream." Sabi ni Sienna.
"Okay sure. Let's gooo!" Binuhat niya ang dalawa saka sila pumunta do'n sa nagse-serve ng ice cream.
Pinuntahan ko na lang ang panganay ko. "Baby boy, are you okay?" Tanong ko.
"Yes, Mom. I want to swim. Because my friends are there.."
Ginulo ko naman ang buhok niya. "Sure. But be careful, baby boy. Got it?"
"Of course, Mom. Thank you." Hinalikan niya ako sa pisngi. Tapos pumunta siya sa CR para siguro magpalit ng trunks.
Pumunta na lang ako sa pwesto nila Simone kasama sila Thea. Si Tricia, wala. Nasa Los Angeles sila ngayon ni Taehyung. Hindi pa nila sinasabi kung kailan sila uuwi dito sa pilipinas.
"Ate Tiana. Oh? Kamusta naman?" Tanong ni Simone.
"Okay naman. Nakakapagod. Pero kapag nakikita ko ang mga anak ko, nawawala stress ko.."
"Ganyan talaga kapag may anak ka. Sila talaga ang stress reliever mo.." Sabi ni Thea.
Medyo kasing-edad na ni Kamren ang anak ni Simone at Thea. Parehas na babae ang anak ng dalawa. Nagiisang babae nila pareho.
"Simone, wala pa ba kayong balak ni Suga na sundan si Hillary?" Tanong ko.
"Wala muna. Busy pa ako sa flower shop ngayon eh. Mabiling-mabili, pa'no nalaman na asawa ko si Yoongi. Kaya ayan, laging out of stock ang bulaklak ko.."
BINABASA MO ANG
ALWH 2: A New Life (Jimin Fanfiction)
FanfictionTuklasan ang bagong buhay ng mag-asawang si Tiana at Jimin kasama ang bagong miyembro ng kanilang pamilya. A Life With Him book 2. @-deerqueen