New Life 33

519 31 20
                                    


3RD PERSON POV

Habang abala ang iba sa pagiisip kung saan maaaring dinala si Tiana.. si Tricia ay hindi mapakali. Kanina pa siya kinakabahan. Dahil alalang alala na siya kay Tiana. Gusto niya na lang biglang sumugod at kunin ang kanyang bestfriend ngunit hindi niya magawa dahil unang una, hindi nila alam kung asan sila. Pangalawa, iniisip niya ang mga anak niya. Pangatlo, paniguradong hindi siya papayagan ni Taehyung. 

"Hay nakakabaliw naman!" Pagsigaw niya saka tinapon ang librong kanina niya pa hawak hawak. Sinabihan kasi siya ni Taehyung na magbasa na muna para hindi ma-stress. Ngunit wala.. hindi mawala sa isip niya ang kanyang bestfriend. 

"Mommy? Wala na pong gatas si Harvey." Rinig niyang sabi ng kanyang anak na si Hailey. "Tsaka, bakit po kayo nagdadabog? Are you okay, Mom?" 

"Hailey, you go to the kitchen. Timplahan mo ng gatas ang kapatid mo." Agad namang sumunod si Hailey kay Taehyung. Siya naman ay dumiretso agad sa kanyang asawa. 

"What's the problem, Hon?" Tanong niya saka niya inakbayan 'to. "Bakit mo binato yung librong binigay ko sa'yo?"

"Iniisip ko lang sila Tiana. Nagaalala na ako sakanya, sobra. Pati sa mga bata. Hindi ko rin alam kung asan si Jimin. Bakit ba ang gulo gulo ng sitwasyon ngayon? Sila Kuya Tyrone at Ate Sandara.. bakit ginanon sila?" 

Niyakap siya ni Taehyung at hinalikan niya ito sa noo. "Shh.. huwag ka na masyadong mag-isip, okay? Gumagawa na kami ng paraan para mahanap sila. Basta ikaw.. alagaan mo muna mga anak natin. Mas kailangan ka nila ngayon." 

Tumango naman si Tricia. "Hon.." 

Yumuko siya at hinuli ang mga mata ni Tricia. "Yes?"

Ngumiti siya. "I love you." Dahil doon ay lumapad ang ngiti ni Taehyung at doon nakita niya nanaman ang napaka-pogi niyang ngiti. Paborito niya talaga kapag todo todo ang ngiti ang ginagawa niya. Para na siyang matutunaw. 

"I love you so much, Hon. Hayaan mo.. makikita din natin sila Tiana, okay? Just trust me. Just trust us." Lumingon naman si Tricia sa iba na abala pa rin sa pagiisip.


MAKALIPAS ANG DALAWANG ORAS. Napagdesisyunan muna nilang kumain. Nagluto na rin si Tricia ng tanghalian.. habang ang mga lalaki ay may sariling diskusyon sa pagkawala ni Tiana. 

Pinaakyat na muna ni Tricia ang mga bata kasama ang kanilang lola. Pinauwi niya muna dito ang kanyang ina dahil wala siyang kasama sa bahay nila. Ang ama niya ay nasa ibang bansa para sa kanyang business trip. 

"Kailangan natin magplano para makuha natin si Tiana." Panimula ni Namjoon. 

"Paano? Hindi nga natin alam kung nasan siya." Sabi naman ni Tricia. 

"Kaya gagawa tayo ng paraan para alamin kung nasan dinala si Tiana at para malaman na din natin kung sino ang gumawa ng lahat ng 'to."

"Though, may kutob na tayo kung sino man 'yon." Sabi ni Taehyung. 

Nang sandaling tumahimik silang lahat. Biglang sumagi sa isip ni Suga si Jimin. "Mga pare, si Jimin. Ano na nangyari doon?"

"Hindi ko rin alam. Wala akong ideya kung bakit bigla bigla na lang siyang nawala." Sabi ni Jin. 

"Kung dati alam natin yung pagkawala niya, ngayon hindi na. Kaya kinakabahan ako. Hindi ko alam kung may kinalaman ba 'to sa problema.. o wala." Halata mo kay Namjoon ang kaba. Dahil siya ang tumayong ama ng Bangtan at hindi niya inaasahan na aabot sa ganito ang problema nila. 

Matagal ng nasa isip nila na baka nga si Jannina ang may gawa ng lahat ng 'to dahil unang una, nalaman nila na wala na 'to sa mental hospital kung saan nila dinala 'to. Iniisip din nila na baka gumawa ng move si Jimin na mag-isa lang siya. 

ALWH 2: A New Life (Jimin Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon