New Life 4

2.8K 117 13
                                    


Nakarating kami ni Chunji sa Chimtin's. Medyo comfortable naman akoㅡat kailangan ko talaga dahil siya ang magiging model ko. Magkatrabaho kami.


Pero kasiㅡ50:50. 50% comfortable. 50% uncomfortable. Ewan ko kung bakit.

Parang merong bumubulong sa'kin naㅡlayuan ko siya. 'Wag akong lalapit sakanya. Ang weird ng pakiramdam koㅡpero parang iba talaga eh.


"Yana, okay ka lang?" Nabalik ako sa ulirat nang marinig ang boses ni Chunji.


But waitㅡwhat did he just call me?


"A-anongㅡbakit Yana?" Tanong ko.


"Tiana kasi. Para maiba namanㅡYana na lang." Sabi niya tapos nginitian niya pa ako.


Okay? Hindi ko mapapagkailaㅡgwapo talaga siya. Meron siyang red hairㅡpero bumagay sakanya kasi maputi siya.


But don't get me wrong. Mahal na mahal ko si Jimin. Mahal ko ang asawa ko. Never akong magtataksil sakanya. Never!


"Gusto mo bang tumulong na lang ako sa pag-organize?"


Umiling naman ako. "Just relax there. Kami na bahala dito."


"No. I want to help and you can't stop me this time." Wala naman akong nagawa. In the end, tumulong na rin siya.


In-assign ko ang sarili ko dito sa pinakagitna. Nilagay ko ang malaking picture ni Jimin. Siya kasi ang pinaka-model ko. Siya ang pinaka-main ko.


"Siya ba ang asawa mo?" Tanong ni Chunji.


Tumango naman ako. "Siya nga." Nakita ko naman ang dahan-dahang pagtango niya.


Nang matapos kami sa onting pag-aayos. Nag-lunch na muna kami lahat.


"Yana, aware ka ba sa Teen Top?"


"Oo. Kilala ko sila. Fan nila ako. Bakit?"


"Isa kasi ako sa member nila do'n."


Nanlaki naman ang mata ko. "Jeongmalyo?!"


"Ohㅡwait. Nagsasalita ka ng korean?" Natatawa niyang saad.


"Oo. Half korean ako." Nakangiti kong sabi. Tumango naman siya tapos sumubo siya ng kanin at ulam. Gano'n rin naman ang ginawa ko.


Napaisip akoㅡmagkakasundo naman pala kaming dalawa.



THE NEXT DAY



"Babies! Dito lang kayo, okay? Kamren, ingatan mo ang kambal." Paalala ko.

ALWH 2: A New Life (Jimin Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon