Habang si Jin ay pabalik sa kwarto kung saan nananatili si Tyrone at Sandara, bigla niya naman nakita ang kanyang hinahanap na sila Tricia at Taehyung.
"Hyung? Bakit pinagpapawisan ka?" Nagtatakang tanong ni Taehyung habang may hawak hawak na coke float sa kanyang kaliwang kamay dahil ang isa ay nakahawak sa bewang ng kanyang asawa.
"Langya. Akala namin kung ano na nangyari sainyo. Alam niyo naman si Tiana 'diba? Kung maaari ayaw niyang may humiwalay sa atin. Paano ba naman, sinabi niyo na pupuntahan niyo lang si Chandra tas nong nagpunta kami don.. wala naman kayo."
"Sensya na, Hyung. Nagutom kasi asawa ko eh. Kaya nagpunta na muna kami sa Mcdo."
"Kinabahan din ako. Akala ko kung may kumuha na sainyo."
"Balikan natin si Tiana don. Mag-isa lang iyon don." Aya ni Jin sa kanila. Tumango naman ang dalawa at nagsabay na sila papunta sa mga kwarto ng mga bata.
Nang makarating sila ay wala na silang Tiana na naabutan doon. Parang naging tambol yung pagtibok ng puso ni Jin. Kinakabahan na siya.
"A-asan siya?" Tanong ni Tricia. Punong puno ng pag-aalala ang kanyang boses.
"T-tignan natin sa kwarto nila Kuya Tyrone. Baka nandon na siya." Wala silang ibang ginawa kung hindi sumunod na lamang sa sinabi ni Taehyung. Nagbabakasakali na tama ang iniisip niya.
Ngunit bigo sila. Pagdating nila sa kwarto ay wala rin silang Tiana na nadatnan. Kung sino ang iniwan namin kanina ay sila pa rin 'to.
"Guys, anong nangyari?" Tanong ni J-hope.
"Bakit kayong tatlo lang? Asan si Tiana?" Nagsisimula na ring mag-freak out si Namjoon.
"H-hindi ba dumaan si Tiana dito?" Utal na tanong ni Jin.
"Hindi. I thought she's with you. Sabay pa nga kayong lumabas kanina 'diba?" Medyo tumataas na ang boses ni Namjoon. Alam ni Jin na natatakot na din siya sa nangyayari.
"Hindi kaya.." Lahat sila ay napatingin kay Suga.
"Nakuha siya.." Lumipat ang tingin nila kay Jungkook.
Alam ng lahat na ganon din ang iniisip ng iba. Maaari. Maaaring nakuha nga si Tiana.
TIANA RYLEIGH'S POV
Napadilat ako nang maramdaman kong wala ng nakalagay sa ulo ko. Medyo sumakit ang ulo ko at blurred pa ang nakikita ko. Ngunit nang makalipas ang ilang segundo ay napagtanto ko na nandito ako sa isang lumang bahay.
Tumingin ako sa paligid. May mga sira sirang frame pa at merong mga lumang vase sa maliit na table. Nakita niya rin ang kama na walang kutson.. tanging banig lang ang pangtakip dito.
Natatakot ako dahil kahit na may onting ilaw sa silid na iyon ay madilim pa rin at wala na akong kasama.
Nagtungo ako sa pintuan at sinubukan itong buksan ngunit nakasara ito. Nang pabalik na ako upang maupo sa kama ay biglang nagbukas ang pinto. Gulat ako nang may makita akong lalaki. Nong una ay hindi ko pa naaninag 'to dahil sa dilim na silid na kinalalagyan ko.
Ngunit laking gulat ko nang makita niya ang mukha ng lalaki. Hindi ako makapaniwala.
"C-chu-chunji.." Utal na sambit ko.
"Yana. Hello. Namiss mo ba ako?"
"H-ha? P-pano.. b-bakit? B-bakit ka nandito?"
Alam kong naiilang ako sakanya. Alam kong una pa lang na pagkikita namin ay hindi na ako kumportable sakanya. Pero bakit.. hindi ko akalain na ganito. Hindi ko akalain na magagawa niya sa akin 'to.
"Pano mo nagawa 'to?"
"Bakit? Ano bang ginagawa ko?" Patay malisyang tanong niya. This is so unbelievable.
"Ikaw.. ikaw ang may pakana ng lahat ng 'to! Ang dami mong dinamay! Pinatay mo ang nanay ko! Walanghiya ka!"
"Woah woah woah. Chill lang, Tiana. Hindi naman ako pumatay sa mama mo eh. Hindi naman ako yung bumaril."
"Maski na! Ikaw naman ang nag-utos na gawin iyon, kaya pakana mo pa rin ang lahat! Napakasama ng ugali mo!"
Narinig ko lang ang mahinang pagtawa niya. Demonyo nga talaga siya. Wala siyang pakialam kung may napatay siya.
"Marami ka pang hindi nalalaman. Pero hayaan mo, sasabihin ko sa'yo lahat lahat." Napatingin ako sakanya. "Ngayon.."
Pagtapos non ay bigla na lang siyang lumabas sa kwarto. Bigla akong naguluhan sa sinabi niya. May kasabwat kaya siya dito?
"Mommy!!" Napabalikwas ako nang marinig ko ang boses ng aking mga anak. Dali dali akong nagtungo sa pintuan.
"Buksan niyo 'to! Huwag niyong saktan ang mga anak ko!"
Tinapat ko ang tenga ko sa pinto at doon naririnig kong may paparating. Agad akong lumayo dahil alam akong itong kwartong ito ang pupuntahan nila.
Naghintay ako ng ilang segundo at maya maya'y narinig ko na ang pagbukas ng pinto at doon nakita ko na kung sino ang pumasok.
Nang makita ko siya.. lahat ng mapapait na alaala ay bumalik.
"Tiana.. miss me?"
Wala pa rin siyang pinagbago. Baliw pa rin siya hanggang ngayon.
Magsasalita na dapat ako ngunit lalo akong nagulat nang makita ko kung sino ang sunod na pumasok.
Hindi ako makapaniwala sa mga nakikita ko. Kung panaginip lang 'to, sana magising na ako.
Hindi pwede. Hindi pwede 'to.
"Jimin.. paano mo nagawa sa akin 'to?"
-
Maikling update lang 'to. Plano ko talaga 'to since yung next update ay hahabaan ko kasi don na yung revelation. Hahaha. Sorry masyado kasi talaga akong busy.
BINABASA MO ANG
ALWH 2: A New Life (Jimin Fanfiction)
FanfictionTuklasan ang bagong buhay ng mag-asawang si Tiana at Jimin kasama ang bagong miyembro ng kanilang pamilya. A Life With Him book 2. @-deerqueen