New Life 38

68 5 3
                                    

Makalipas ang ilang buwan, natapos na rin ang hearing nila Jannina at Chunji. Pinarusahan sila ng habang buhay na pagkakabilanggo. Magandang balita naman iyon para kila Tiana at Jimin dahil sa wakas, wala ng manggugulo sa pamilya nila. Matatahimik na sila. Magiging mapayapa na ang pamumuhay nila. Wala ng kinatatakutan, wala ng tinataguan.


"Chandra!" Napatingin naman siya sa anak niyang si Kamren dahil sumigaw ito. Nakita niya naman na dumating sila ate Sandara at Kuya Tyrone niya. "Omg! You're so cute!" Sabay na sabi ng kambal. Napangiti naman siya dahil nandito ang ate at kuya niya.

"Kuya Tyrone, Ate Sandy, nandito kayo." Lumapit siya upang bumeso kay Sandara at niyakap niya naman ang kanyang kuya. Pagtapos non ay hinalikan niya sa noo ang baby nilang si Chandra. "Napaka ganda naman ng pamangkin ko na 'yan. Mukhang nagmana sa Tita ah?"

"Hoy, hindi kaya! Ako ang kamukha nitong si Chandra, 'no!" Nagtawanan naman kaming lahat.

"Pasok po kayo, tamang tama nakahanda na yung mga pagkain para sa tanghalian. Tsaka mukhang gutom na gutom na rin yung kuya ko." Ginulo naman ni Tyrone ang buhok ni Tiana dahil inaasar na naman siya nito. Palagi na lang daw kasing gutom ang kuya niya.


"Nasaan na nga pala ang asawa mo?" Tanong sa kanya ni Sandara.

"Pinatawag daw po sila ni ng manager nila. May importante raw po silang pag-uusapan para po sa bagong grupo na bubuoin nila sa kumpanya nila." Tumango naman si Sandara. "Baka po mamaya nandito na rin po sila. Sabi po kasi nila Jimin, dito rin daw po sila didiretso, paguusapan po naming yung pagpunta po namin sa Korea."

"Pupunta kayo ng Korea?"

"Opo, ate. Bibisitahin po namin yung grandparents ni Jimin doon. Gusto niyo po ba sumama?"

"Nako, bunso, hindi na. Kailangan muna naming tutukan 'tong si Chandra. Medyo marami ring nangyari netong mga nakaraang araw, kaya kailangan namin muna siguraduhin na maayos na talaga ang anak namin." Nalungkot naman ang mukha ni Tiana dahil doon sa sinabi ni Tyrone. Pero naiintindihan niya, hindi nga naman talaga biro ang pinagdaanan nila. "Huwag ka na malungkot, bunso, hayaan mo next time, pwede naman tayo pumunta ron na magkakasama." Ngumiti naman si Tiana at tumango.


Makalipas ang ilang minuto, habang inaayos ni Tiana ang mga pinggan na gagamitin nila para sa tanghalian, dumating sila Jimin kasama ang kanyang mga kaibigan, pati na rin ang kanilang mga asawa at mga anak.

"Wife, I'm home!" Narinig niyang pagsigaw ng kanyang asawa.

Lumabas siya sa dining room at sinalubong ang kanyang napakagwapong asawa. Niyakap niya ito nang mahigpit. "I missed you, wife!" Naramdaman niya naman na hinalikan siya nito sa gilid ng kanyang noo. "Kamusta ka naman? Kamusta sila Kamren, Savannah at Sienna?"

"They're fine. Lalo na nong dumating sila ate Sandara at kuya Tyrone." Dahil doon, napangiti naman si Jimin at hinalikan ang noo niya.

"Matagal pa 'yan? Nagugutom na kami. Baka pwede na kaming kumain." Kumunot naman ang noo ni Jimin dahil sa biglang pag-entra ni Taehyung. Kahit kailan talaga ay panira siya paglalambingan nilang mag-asawa.

"Tara na at kumain na tayo!" Aya naman sa kanila ni Tiana.

Tinawag na niya ang lahat ng nandon sa living room. Alam naman niya na marami ang dadating sa kanilang bahay kaya naghanda siya ng sandamakmak na pagkain. Natuwa naman ang kanyang asawa at mga kaibigan niya dahil sa mga pagkain na nakahanda sa kanilang napakahabang lamesa.

Hindi naman mawala ang ngiti sa kanyang mukha habang nakatingin sa mga kaibigan niyang pinapakain ang kanilang mga anak. Ganito ang gusting-gusto niya laging nakikita. Ang mga ngiti at tawa ng mga kanyang kaibigan. Mabuti na lang at natapos ang kanilang problema, panatag na siya dahil simula sa araw na 'to, mamumuhay na silang tahimik. Ito ang dati niya pang gustong maranasan. Nagpapasalamat siya dahil tapos ang bangungot nila ng pamilya niya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 19, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

ALWH 2: A New Life (Jimin Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon