"Ate Tiana, okay ka lang ba talaga?" Simula kaninang pagdating ko dito sa studio panay na ang tanong ni Shan niyan. Hindi ko alam kung ano ba ang itsura ko na nakikita nila para paulit-ulit silang magtanong ng ganyan. "Kahit hindi mo sabihin, ate alam kong may problema ka nanaman."
Nginitian ko na lang siya. Hindi ko alam kung paano ko sasagutin ang tanong niya. Okay lang ba ako? Oo, okay ako noong mga nakaraang araw. Pero ngayon? Ewan ko. Magiging okay pa ba ako pagkatapos ng nangyari ngayon? Ngayong alam kong hindi imposible na may gumulo nanaman sa pamilya namin. Hindi rin imposible na madamay ang mga anak ko.
"Kung kailangan mo ng tulong, ate. Nandito lang ako ha? Meron ka pang kaibigan. Nandito kami nila JR." Saka niya tinap ang balikat ko.
"Salamat, Shan."
"Hay salamat naman at narinig ko ang boses mo, ate. Kanina ko pa gustong marinig 'yan. Kanina ka pa kasi 'di nagsasalita eh.."
"Okay na ako, Shan. Maraming salamat."
"Ate tianaaaaa!" Narinig kong sigaw mula sa labas ng opisina ko. Pumasok si Lawrence. "Ate Tiana, may bisita po kayo." Natanaw ko naman bigla si Jackson. Mayroon siyang dala-dalang..hindi ko alam kung ano.
"Kuya Jack. Ikaw pala 'yan. Nandito si ate Tiana. Maiwan ko muna kayo. May mga pictures pa ako na hindi pa natatapos." Sabi ni Shan tapos pinapasok na si Jackson.
Nilapag ni Jackson ang dala niya sa table ko. "Leche flan yan. Gawa ni mama. Sabi niya bigyan daw kita kasi nasabi ko na dadaanan kita dito."
"Nako, nag-abala pa si Tita. Pakisabi salamat ha? Mukhang masarap 'to. Paborito ko rin kasi ang leche flan."
Tumango si Jackson at ngumiti. "Alam kong may panibago ka nanamang problema, Tiana. Nakikita ko sa mga mata mo. Ano nanaman bang nangyayari?"
"Huwag na lang muna natin pag-usapan, Jackson. Kasi tuwing naaalala ko, lalo akong nasasaktan."
Narinig ko naman ang pagbuntong-hininga niya. "Naiintindihan kita, Tiana. Pero 'wag mo rin sanang kalimutan na kapag may problema o kailangan mo ng kausap, lagi akong nandito."
Binatukan ko naman siya. "Baka magalit pa sa'yo yung girlfriend mo." Parehas naman kaming natawa. Gusto ko lang mag-lighten yung mood. Para naman medyo mahimasmasan ako.
"Speaking of my girlfriend. Susunduin ko nga pala 'yon sa bahay nila kasi may usapan kaming magde-date kami ngayon. Puta."
Natawa naman ako dahil doon. "Sunduin mo na 'yon baka break-an ka pa non."
"Sa gwapo kong 'to, be-break-an niya ako? Tss! Tsaka hindi ko kaya 'no. Mahal na mahal ko yung babaeng 'yon kahit mukhang halimaw 'yon." Napahalakhak naman ako. Ang cute cute siguro nitong dalawa kapag magkasama sila. "Sige na, Tiana. Aalis na ko. Alam ko umuusok na ilong non sa galit."
Tumango ako at ngumiti. "Ingat ka sa pagmamaneho, Jackson. Bye. See you around."
Saktong pag-alis ni Jackson ang siyang pagdating naman ni Chunji. Dumiretso agad siya sa office ko.
"Yanna.."
Bigla akong kinilabutan. Hindi ko alam kung bakit ganito nararamdaman ko kapag tinatawag niya ako ng Yanna. Naiilang talaga ako sakanya. Parang may iba eh.
"May pinapasabi nga pala si Manager Kim. Sabi niya yung magiging venue daw ng next na photoshoot is sa baguio. Para daw sa mga new arrivals na shirt sa penshoppe."
"Sa baguio talaga?"
"Yep. Yung ang sabi ni Manager Kim. Doon daw ang gusto niyang view eh." Napakamot naman ako sa batok. Naisip ko yung malaking problema ko. Pero hindi ko naman pwedeng itanggi 'to kasi trabaho ko 'to ang responsibilidad ko na tanggapin 'tong new project ko. "Sa Sunday daw tayo aalis. Sunduin na lang kita sa bahay-"
BINABASA MO ANG
ALWH 2: A New Life (Jimin Fanfiction)
FanfictionTuklasan ang bagong buhay ng mag-asawang si Tiana at Jimin kasama ang bagong miyembro ng kanilang pamilya. A Life With Him book 2. @-deerqueen