PLUG PLUG

259 7 0
                                        

Hi. I just want to plug my story. Sana po ay basahin niyo. Darkness and Pain yung title. Hanapin niyo na lang sa list ng mga stories ko. Hehe salamat! Sana po ay suportahan niyo kagaya ng pagsuporta niyo dito sa story ko.

———— eto yung prologue

"Mahal naman natin ang isa't-isa, 'diba? Ano pang problema doon? Bakit hindi pa rin tayo pu-pwede?"

"Dahil kapag itutuloy natin 'tong relasyon na 'to, patuloy lang masasaktan ang kaibigan ko."

                                                                                                                                             -          Prile Loraine Aranilla


"Hanggang kalian ka ba magpapakatanga sa lalaking walang ibang ginawa kundi saktan ka? Wala namang ibang ginawa kundi balewalain ka. Bakit kasi 'di mo na lang tanggapin na siya ang pinili niya, hindi ikaw!"

"Kahit naman pigilan ko, mahirap eh. Alam mo naman ako, 'diba? Once na nahulog na 'ko, ang hirap ng makabangon. Lalo na't wala namang sumalo sa'kin. 'Yon yung pinakamasakit doon."

-          Marion Jamie Calina


"Ano na bang nangyayari sa'ting dalawa? Parang hindi na dadaan ang araw na hindi tayo naga-away."

"Huwag mo kong sisihin kung bakit tayo nagkakaganito. Dahil ako? Ginagawa ko yung responsibilidad ko bilang girlfriend mo. Ikaw, isipin mo ng mabuti kung ganoon rin ba ginagawa mo."

-          Sachiko Lesley Montefalco


"Bakit ba lagi kang sumasama sa mga lalaki? Kahit one of the boys ka, isipin mo pa rin na babae ka. Biruin mo? Ikaw lang babae doon. Paano na lang kung yung isa mo palang kaibigan, may hidden desire sa'yo? Sige nga?!"

"Wala kang pakialam! Sino ka ba para mangialam sa buhay ko?! Daig mo pa nanay at tatay ko. Sila nga 'di ako pinagsasabihan ng ganyan. Ikaw pa na kaibigan ko lang? Tss! Hayaan mo nga ako!"

-          Amber Leigh Alcantara


"Sabihin mo lang kung hindi mo na 'ko mahal, hindi yung nagmumukha ako laging gago dito kakaisip kung ano ba talaga tunay mong nararamdaman. Kung may natitira ka pa bang pagmamahal para saakin o tuluyan ng nawala."

"Huwag mo akong tanungin dahil maski ako hindi ko alam ang sagot!"

-          Timi Laine de Jesus


"Sabihin mo na kasi kung ano ba gusto mo sa isang lalaki para naman kahit papaano maging deserving ako para sa'yo."

"Wala. Wala kang dapat gawin. Wala akong time para sa love love na 'yan. Mas masarap kumain!"

-          Millany Jilianna Alvarez


"Ilang beses ko bang sasabihin sa'yo na ayoko na nga! Hindi na kita matagalan dahil unti-unti kong nararamdaman na hinding-hindi ako magiging masaya sa'yo!"

"Sige. Hindi na kita kukulitin. Pero ito tandaan mo. Dadating ang araw na sa'kin mo na maririnig ang mga katagang 'yan at sisiguraduhin kong ikaw naman ang maghahabol."

-          Auril Brianna Gil


"Ayokong masaktan kita. Pero 'diba? Sabi ko naman sa'yo, kapatid lang talaga turing ko sa'yo. Please? Itigil mo na 'yang pagkagusto mo sa'kin kasi hindi ko naman masusuklian. Huwag mong hayaan yung sarili mo na mahulog ng husto sa'kin. Ayokong masaktan ka."

"Okay lang naman saakin. Hindi naman ako nagrereklamo eh. Kahit naman masaktan ako, tanggap na tanggap ko naman. Mas okay na 'to. Sa ganitong paraan kasi nakakasama't nakakausap kita!"

-          Pheme Leanna Anderson

ALWH 2: A New Life (Jimin Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon