New Life 35

518 20 12
                                    


NAGISING SI TIANA NANG MAKARINIG SIYA NG PARANG BUMAGSAK. Agad agad siyang bumangon at tinapat ang kanyang tainga sa pintuan. Pinapakinggan ang mga nangyayari sa labas.

"Bilisan niyo, babies! Male-late na tayo." Narinig niyang sabi ni Jannina.

Nang dahil sa inis niya, binuksan niya ang pinto.. at kitang kita niya kung paano hilain ni Jannina ang mga anak niya.

"Jannina! Saan mo dadalhin ang mga anak ko?!"

Halata namang nagulat si Jannina. "Walang hiya! Sino nagbukas ng pinto mo?! Naka-lock 'yan ah!"

"Well, kung sino man nga ang nagaasikaso sa kwarto ko, ang bobo niya para hindi mapansin na hindi niya kinadena ang pinto!" Halata ang gigil ni Jannina. "Ngayon, tinatanong kita. Saan mo dadalhin ang mga anak ko?!"

"Hindi mo sila anak! Anak ko sila!"

Halata sa mga bata na gusto na nilang ipagtanggol ang kanilang ngunit pinigilan nila. Dahil makakasira 'to sa plano nila maga-ama.

"Let's go, babies!"

"No! You're not going anywhere!"

Hihilain niya na sana mga anak niya nang makita niyang sinenyasan siya ni Kamren. Napatigil siya doon.

"No, Mom." Mahinang banggit ni Kamren dahilan para hindi marinig ni Jannina.

"Baby, no ㅡ"

"I'm sorry, Mom. Magtiwala ka na lang sa amin."

Saktong pagkasabi noon ni Kamren ay bigla na lang nagdilim ang mga paningin niya.


HABANG ABALA SI JANNINA NA MAGAKYAT NG GAMIT SA EROPLANO, pinagmamasdan ni Jimin ang ginagawa ng trabahador niya sa paggawa ng eroplano. Eto ang pinagplanuhan niya simula pa lang.

Sinisigurado niyang walang sira ang pribadong eroplano na 'yon dahil sasakay patiㅡ

"Bro, nakahanda na kami." Narinig niyang nagsalita sa gilid niya.

"Salamat, hyung."

Ngumisi si Jimin habang nakatingin sa magkapatid na si Jannina at Chunji.

"Katapusan niyo na," sambit niya sa kanyang sarili.

ALWH 2: A New Life (Jimin Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon