Hindi ako nakatulog. Magdamag akong gising at tinitignan si Jimin habang siya ay mahimbing na natutulog. Magdamag kong iniisip yung mga nangyari kanina. Yung mga sinabi ni Jimin. Hindi ko alam pero parang may mali talaga eh.
Humarap ako kay Jimin na ngayon ay nakaharap saakin. Tinaas ko yung kumot hanggang sa leeg niya dahil malamig na sa kwarto namin. Naka-turbo ang aircon. Eh lagi pa naman siyang naka-sando kapag natutulog.
Kinuha ko yung unan na nasa harapan ko at ayon ang ginawa kong unan. Habang nakaupo ako naka-rest ang ulo ko sa unan ko na nakaharap kay Jimin.
Hinawakan ko ang kanyang pisngi. Hindi naman malakas ang pakiramdam nito kaya hindi naman 'to magigising. Ang cute-cute talaga niya. Kung pwede ko lang siyang kulit-kulitin ngayonㅡkaya lang kasi galit nga pala siya saakin. Hanggang kailan nanaman kaya niya ako hindi kakausapin? Ngayon na lang ulit kami nag-away ng ganito. Miss ko na agad siya.
-
Umaga na. Nakita ko ang sarili na nakahiga na at may balot na balot na ng kumot. Mayroon na din akong unan na yakap-yakap. Napangiti ako dahil alam kong si Jimin ang nag-ayos saakin ng ganito. Pero napalitan ng lungkot ang ngiti ko kanina. Dahil hindi ko siya nakita sa tabi ko. Nauna siyang nagising at lumabas agad. Dati-ratiㅡhihintayin niya pa 'ko magising. Kukulit-kulitin niya pa 'ko hanggang sa magising ako. Pero ngayon? Wala akong nadatnan na ganoon.
Maya-maya narinig ko ang pagbukas ng pintuan. Nakita ko si Kamren na pumasok. "Mommy, good morning." Bati niya saakin. Ngumiti naman ako sakanya at hinalikan ko siya sa pisngi.
"I saw dad a while ago.." Saad niya. Napatingin naman ako sakanya. "He's in a hurry.."
Nakunot naman ang noo ko. Nagmamadali siya? Saan naman siya pupunta? Eh alam ko yung company nila si Mama ang nagha-handle sa ngayon. Sarado rin yung Chimtin's. Saan naman siya pupunta?
Nag-ayos ako ng kama. "Are you going to follow him, Mom? I want to come with you."
Tumingin ako kay Kamren at hinawakan ko siya sa pisngi. "No, baby. You stay here and take care of your sisters. Just go and play with your titos down there." Sabi ko. Nalungkot ang mukha niya pero tumango na lang din at lumabas na ng kwarto.
Napadaan ako sa Chimtin's. Nagbabakasakali na nandito siya at binuksan niya ito. Pero hindi. Hindi ko talaga siya nadatnan. Sobrang nag-aalala na ako. Hindi ko alam kung nasaan siya.
Napaupo na lang ako sa may hagdan ng harap ng main door. Kanina ko pa tinatawagan si Jimin pero ring lang nang ring yung phone. Sigurado naman akong walang alam sila Namjoon kasi nandoon sila lahat sa bahay.
"Argh! Jimin, ano ba?!"
-
Nandito ako sa MOA seaside. Dito ako sa pwesto na walang katao-tao. Medyo maingay kasi sa bandang gitna. Kaya dito ako sa dulo. Nakatingin ako sa malawak na karagatan. Tinitignan ang paglubog ng araw habang dinadama ang hangin na dumadampi sa aking katawan.
Naalala ko ang unang surpresa saakin ni Jimin. Noong second anniversary namin. Ayon ang pinaka-di ko malilimutan na pangyayari sa buong buhay ko. Sobrang unforgettable non.
Tinignan ko ang aking singsing. Napapangiti talaga ako lagi kapag tinitignan ko ito. Napapangiti rin ako habang inaalala ko ang pinangako ni Jimin saakin noong nasa harapan kami ng altar. Sarap sa pakiramdam. Nakakaginhawa. Parang yung puso ko, lumalakas at bumibilis ang tibok.
"Onting mis-understanding lang naman 'to. Maaayos din 'to. Bibigyan ko lang ng onting oras si Jimin para magpalamig ng ulo. Alam ko naman na ayon ang kailangan niya ngayon. Kaya gagawin ko muna.." Sambit ko habang nakatingin saaking singsing.
BINABASA MO ANG
ALWH 2: A New Life (Jimin Fanfiction)
FanficTuklasan ang bagong buhay ng mag-asawang si Tiana at Jimin kasama ang bagong miyembro ng kanilang pamilya. A Life With Him book 2. @-deerqueen