Nag-set ako ng operation. Nagbabaka-sakali na baka may pag-asa pa si Mama. Kanina pa 'ko clear nang clear pero wala talaga. Nananatiling straight.
"Ma..please.." Muling sambit ko habang nakatitig sakanya. Ngunit wala na talaga. Wala ng pag-asa.
Patay na si Mama.
Tinanggal ko ang mask ko at lumabas ng operating room. Nakita ko agad si Tiana na umiiyak habang inaalo siya ni Jimin. Halos lahat ng kaibigan niya nandito.
Lahat sila napatingin saakin nong nakalabas ako. Napaluhod ako at napahawak sa ulo ko. Tuluyan na akong umiyak. Sobrang sakit. Parang nadudurog ang puso ko.
"Love.." Narinig kong sambit ni Sandy. Naramdaman ko ang pagyakap niya saakin. Kaya naman lalo akong naiyak.
"Ang sakit, Love. Naturingan akong doctor pero wala naman akong nagawa para mabuhay si Mama.."
"Hey. Wala kang kasalanan. 'Wag mong sabihin 'yan." Patuloy lang siya sa paghahaplos sa likod ko.
"Kuya.." Napatingala ako nang makita ko si Tiana. Pulang-pula na ang pisngi sa kakaiyak. Humiwalay sa yakap si Sandy at ako naman ay tumayo. "Kuya...si Mama.."
Niyakap ko siya. Mahigpit na mahigpit. "I'm sorry, princess." Tanging nasabi ko na lang.
"Kuya naman. 'Wag kang mag-sorry. Hindi mo kasalanan.." Tanging yakap na lang ako nang nagawa ko. Hindi na ako makapagsalita. Alam kong mas masakit kay Tiana dahil simula pa bata siya ay kasama na niya si Mama.
Pero ako? Bakit ganoon..hindi ko man lang nakasama nang matagal si Mama. Noong bata pa ako..pinangarap ko na..na magkaroon ng Mama. Ng masayang pamilya. Kaya nga noong nalaman ko na mayroon pa akong nanay sobrang saya ko. Kasi sa wakas mayroon na akong tatawagin na mama, nanay o mommy o kahit ano. Pero ngayon..agad naman siyang nawala.
"Madaming tama ng bala, Tiana. Sa iba't-ibang parte ng katawan ni Mama. Halos benteng bala ang nakita namin. Nakita ko rin ang dugo sa ulo niya. Siguradong napuruhan din ang ulo niya.." Dahil sa sinabi ko, napahawak si Tiana sa ulo niya. Napa-atras siya at nagsimula nanamang umiyak. Halos tumumba siya kaya naman biglang napasugod si Jimin at sinalo siya. "Natamaan din ang puso niya. Nakita namin na may tatlong bala na tumama doon.." Nanghihinang saad ko. Sobrang sakit para saakin na makita na ganoon ang sinapit ng aking ina.
"Bakit pati si Mama kailangan nilang idamay, Chim? Dapat ako na lang. Bakit si...si Mama pa.." Naiyak ako nang makita ko si Tiana na sobrang pulang-pula na dahil sa kakaiyak. "Chim..i-report na natin 'to sa pulis. Hindi ko na kaya. Dinamay na nila ang Mama ko. Sobrang sakit na.." Tatayo na sana si Tiana ngunit pinigilan siya ni Namjoon.
"Hindi pwede, Tiana.." Mahinahon na saad ni Namjoon. Mayroon siyang hawak-hawak na maliit na papel.
"Anong hindi pwede?! Nadamay na ang Mama ko! Pinatay na nila ang Mama ko! Hindi ko magagawang manahimik na lang ako! Kailangan na ng pulis-"
"Kapag tumawag ka ng pulis mamamatay ang mga anak mo, Tiana!" Dahil doon ay napatigil kaming lahat. Napatingin ako sa mga bata na ngayon ay hawak-hawak ni Sandy. Lalo silang sumiksik kay Sandy nang marinig ang mga salitang 'yon kay Namjoon. "Sige, Tiana. Hahayaan mo bang mamatay ang mga anak mo?"
"Ano bang sinasabi mo, Namjoon?!"
"May warning sila.." Mabilis kong inagaw kay Namjoon ang papel na kanina niya pa hawak-hawak.
Tiana,
Huwag mong subukan magsabi sa pulis. Dahil hindi mo alam, marami akong mga tauhan. Nakabantay lang sila sainyo. Once na nagsumbong ka, patay ang mga anak mo.Nailukot ko ang papel dahil sa galit. Hindi talaga sila titigil hangga't hindi nila napapatay ang kapatid ko. Tss. Para namang hahayaan kong mangyari 'yon.
BINABASA MO ANG
ALWH 2: A New Life (Jimin Fanfiction)
FanfictionTuklasan ang bagong buhay ng mag-asawang si Tiana at Jimin kasama ang bagong miyembro ng kanilang pamilya. A Life With Him book 2. @-deerqueen