New Life 36

642 22 2
                                    

KINABUKASAN

Napagdesisyunan nila Tiana na bisitahin si Jannina at Chunji sa kulungan kung saan sila dinala.

"Sigurado ka bang pupunta ka doon?" Punong ng pag-aalala ang tanong ni Jimin sa kanyang asawa.

Ngumiti naman si Tiana. "Oo naman. Tsaka kasama kita. Kasama ko kayo." Tumingin naman si Tiana sa iba nilang kasama. "Hindi ko kailangang matakot. Marami kayong poprotekta sa akin." Walang ibang nararamdaman si Tiana kung hindi saya. Dahil kahit ano ang pinagdaanan nila, nandyan pa rin ang mga kaibigan niya.. kaibigan ni Jimin. Kahit may sari-sarili na silang pamilya ay hindi pa rin sila iniiwan ng mga 'to.

"Hay nako, bago pa ako maiyak, umalis na tayo. Ihahanda ko na yung kotse." Natawa naman sila lahat. Kasi kahit kailan, hindi pa rin nagbabago si Jin. Ganon pa rin siya. Komedyante pa rin.

Uuwi sa asawa niya pagtapos ng araw na 'to, gusto niyang bisitahin para masigurado niya na nasa maayos na kalagayan ang mag ina niya. At saka miss na miss na niya ang mga 'to kaya hindi na siya makapaghintay na makita sila ulit.

Habang nasa byahe sila, hindi natatapos ang pagke-kwentuhan nila. Kung gaano sila kagulo noong mga estudyante pa lang sila, ganon pa rin hanggang ngayon. Kahit ano ang problema na dumaan sa kanila, eto pa rin sila. Walang nagbago sa pagsasama nila.

Tahimik lang si Tiana na pinagmamasdan silang lahat. Napapangiti rin siya sa mga nakikita niya. Dahil sa naisip niya, sa wakas, nakikita niya ulit ang mga ngiti ng mga kaibigan niya na matagal niyang hindi natuklasan dahil sa problemang dumating sa kanila.

Lalo naman sa asawa niyang si Jimin. Kung dati ay punong puno ng kalungkutan ang mukha niya, ngayon ay halos hindi na makita ang mata niya dahil sa sobrang kasiyahan. Natutuwa siya dahil bumalik ang dati nilang kulitan. Masaya siya dahil ganito na ulit sila. Masaya at wala ng problemang dinadala.

Makalipas ang ilang oras, nakarating na rin sila sa kulungan kung saan nandon sila Jannina at Chunji. Paglabas nila sa sasakyan, namataan agad sila ng mga pulis na nagbabantay doon.

"Sir Jimin." Bati agad nong head sa kulungan na 'yon.

"Kamusta? Wala naman ba kayong naging problema dito?"

"Wala po, sir. Nababantayan po namin sila nang maayos."

"Good 'yan, kuya. Dapat talaga hindi na makatakas yung dalawang 'yon. Baliw 'yon parehas eh." Pagsingit naman ni Taehyung sa usapan nila. Wala naman ibang ginawa si Tricia kung hindi batukan ang asawa niya. "Aray ko naman, Jagi!"

Natawa naman ang iba sa kanila saka sila pumasok sa loob. Hindi rin naman natiis ni Tricia at hinawakan niya sa kamay si Taehyung kaya naman ay napangiti ulit siya.

Nang makapasok sila sa loob. Tinawag na si Jannina at Chunji. Biglang nag-iba ang awra ni Tiana at napansin ni Jimin 'yon, kaya naman hinawakan niya ang bewang ni Tiana at nilapit niya 'to sa kanya.

Napatingin naman si Tiana sa kanya. Tinaas niya ang dalawa niyang kilay. "Are you okay?" Tumango si Tiana at ngumiti sa kanya.

Nang makita na nila ang magkapatid, napangisi si Jimin dahil kitang kita niya na hirap na hirap ang dalawa na para bang hindi na nila kayang tumagal sa loob.

The moment na makita ni Jannina si Jimin ay agad siya lumapit sa kanya. "Love! Sabi na nga ba hindi mo ako papabayaan dito eh. Papalabasin mo na ba ako? Kami ni kuya?"

Napatingin si Tiana kay Jannina na naka-cling sa braso ni Jimin, at bago pa bitawan ni Jimin ang braso niya ay inunahan na ni Tiana.

Napatingin naman si Jannina sa kanya. Nag iba ang awra ng kanyang mukha. "Bakit nandito ka?"

ALWH 2: A New Life (Jimin Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon