Naghanda ako ng almusal para kay Tiana. Hanggang ngayon hindi ko siya makausap ng matino. Na-trauma na siguro. Muntik na siyang mamatay. At hindi ko alam gagawin ko kapag nangyari sakanya iyon.
"Dad..where's Mom?" Tanong ni Kamren na kakagising lang. Minabuti kong hindi muna sila papasukin. Nagho-home school na lang sila. Ayoko ng lumabas-labas sila ng bahay.
"She's in our room."
"Is she okay?"
"Yes, son. She's okay." Ginulo ko ang buhok niya. Ngumiti naman siya at tumango.
"I'll just go to Ninong Namjoon's room." Tumango naman ako. Nakita kong nagmadali siyang umakyat upang puntahan ang kwarto ng ninong niya.
Nagtungo ako sa kwarto namin ni Tiana. Ganon pa rin siya. Nakaupo sa kama at nakasandal sa headboard.
"Wife.." Sambit ko ngunit 'di niya ako pinansin. Nakatulala pa rin siya. Nilagay ko muna ang tray sa mini table sa may paanan namin. Tinabihan ko siya. "Its breakfast time, wife. You should eat now." Masigla kong saad. Ngunit wala man lang siyang reaksyon. Napabuntong-hininga na lang ako.
Hinaplos-haplos ko ang kanyang buhok. Pinaharap ko siya saakin. Nagtama naman ang tingin naming dalawa. Pero wala pa ring reaksyon. "Wife..I love you.." Tangina. Nagmumukha nanaman akong bakla. Umiiyak nanaman ako. Ayoko nang ganito siya. Hindi ako sanay. Parang nadudurog ang puso ko.
Marahan kong pinunasan ang luha ko at kinuha na ang tray para ibaba dahil alam kong wala siyang balak na kumain. Hahayaan ko muna siya.
Lalabas na sana ako ng kwarto nang maramdaman ko ang pagyakap ni Tiana mula sa likod ko. Kaya naman nagulat ako.
"C-chim.." Narinig kong sambit ng asawa ko. Kaya naman inilapag ko ang tray sa sahig at saka ko siya hinarap.
Hinawakan ko ang kanyang magkabilang pisngi. "Wife.." Sambit ko. Ngumiti siya at hinalikan ako sa labi. "Shit. Wife. I missed you." Sambit ko saka ko siya niyakap nang mahigpit.
"Grabe ka naman, Chim. Parang ilang oras lang akong hindi nagsalita. Namiss mo agad ako?" Natatawa niyang sabi.
Napangiti naman ako. "Syempre naman. Hindi nabubuo ang araw ko at hindi gumaganda ang umaga ko kapag hindi ko naririnig ang napakagandang tinig mo."
Hinampas niya ang likod ko. "Napakadami mong alam, Mr Park." Natawa naman ako at lalo kong hinigpitan ang yakap sakanya. "I love you, Chim. Salamat sa paglitas saakin kagabi."
Humiwalay ako sa yakap at hinarap siya. "Hindi ka dapat magpasalamat dahil noong naging asawa mo ako, obligasyon ko nang alagaan at protektahan kita. Responsibilidad ko iyon bilang asawa mo, Tin."
"Napaka-swerte ko talaga at ikaw ang naging asawa ko. Wala na siguro akong mahahanap na tulad mo. Sobrang..sobrang swerte ko."
Hinaplos ko ang kanyang buhok at tinignan ko ang mata niyang mapungay. "Mas maswerte ako dahil napunta saakin ang napaka-maaalahanin na asawa." Natawa naman siya at hinampas nang mahina ang dibdib ko. "You're really beautiful, wife.." Kinurot naman niya pisngi ko. "Aray! Masakit iyon ah?!" Natatawang saad ko habang nakahawak sa pisngi kong kinurot niya. "Eto..cute na cute ka talaga saakin."
"Oo. Kasing cute ng height mo."
Nangunot naman ang noo. "Wife naman eh! Height ko nanaman ang nakita mo!" Nag-pout naman ako. Pero siya? Patuloy pa rin sa pagtawa. Langya talaga 'tong asawa ko oh. Tinawanan lang ako. Cute ko kaya mag-pout. Halos lahat nga ng mga babae halos magpakamatay kapag nagpa-pout ako.
"I love you, hubby! Hahahahahahaha!" Napangiti ako nang bahagya. Ngayon niya lang ako tinawag ng hubby. Ang cute naman pala pakinggan non. Yon nga lang..'pag siya ang nagsasabi.
BINABASA MO ANG
ALWH 2: A New Life (Jimin Fanfiction)
Fiksi PenggemarTuklasan ang bagong buhay ng mag-asawang si Tiana at Jimin kasama ang bagong miyembro ng kanilang pamilya. A Life With Him book 2. @-deerqueen