Maagang nagising si Tiana, ngunit hindi na niya naabutan si Jimin. Malamang ay umalis na siya, kasama ng mga kaibigan niya. Hinayaan niya na lang dahil alam naman niya kung saan 'to pumunta.
"Good morning, Mommy!" Bati sa kanya ni Kamren. Hinalikan naman niya 'to sa pisngi. "Mag breakfast na po tayo. Nagluto na si tita Sandy."
"Sige, baby. Salamat."
Hinanap naman ng kanyang mata ang kuya niyang si Tyrone. Lumuwag ang paghinga niya na makita niya itong karga karga si Chandra.
"Huwag ka na mag alala, Tiana. Maayos na kami ng kuya mo, pati ng pamangkin mo." Napatingin naman siya kay Sandy. "Nakakulong na si Jannina pati ang kapatid niya. Inaayos na ni Jimin lahat."
Ngumiti naman ako. "Yes, ate. May tiwala naman ako sa kanya, pati sa mga kaibigan niya."
"Kesa mag-isip ka ng kung anu-ano dyan, kumain na tayo."
Tinawag na ni Sandy ang asawa niya na karga ang anak nila. Sumunod naman ang kambal na kanina pa naglalaro.
"Hey, my princess." Bati sa kanya ni Tyrone at saka siya hinalikan sa ulo.
"Kuya." Sambit ni Tiana at hindi mawala ang kanyang ngiti. Napanatag na ang kanyang loob na makita silang kumpleto na nandito. Si Sandy, Tyrone at anak nila. Ang kambal niya pati ang panganay niya.
Hindi mawala sa isip niya ang kalagayan nila Jimin ngayon. Pero kagaya ng sabi ng ate Sandy niya, hindi muna dapat niya isipin. Dahil malaki ang tiwala niya sa asawa niya.
SA KABILANG DAKO, hinahanap ni Jimin at Namjoon ang baril na ginamit ni Jannina at Chunji. Maaaring ito rin ang ginamit sa pagpatay sa mama ni Tiana kaya malaking bagay na mahanap nila 'yon.
"Hanapin mo dyan, hyung. Malamang nandyan lang 'yon. Pagtapos ng nangyari, wala na sigurong tumungtong dito."
"Sige, dyan ka. Dito ako."
Naghiwalay silang dalawa. Hinanap nila ang baril. Kahit saan mang sulok ng bodega ay talaga pinuntahan nila. Hindi nila pwedeng hindi mahanap ang baril na 'yon. Malaki ang tulong non para madiin si Jannina sa kaso niya.
Lumipas ang ilang minuto bago nila mahanap nila ang baril na hinahanap nila.
"Hyung, nahanap ko na." Kukunin na sana ni Jimin ngunit pinigilan siya ni Namjoon.
"Don't touch it with your bare hands." Kumuha naman si Namjoon ng pangsapin sa kamay niya saka kinuha ang baril at nilagay sa plastic na dala dala nila. "Let's go."
Sumakay na sila pareho ng sasakyan at saka dumiretso sa presinto kung saan nandon ang kaibigan nila.
Nang makarating sila, napatayo ang lima nilang kaibigan at sinalubong sila.
"Nahanap niyo ba?" Tanong ni Jungkook.
Tumango naman ang dalawa at binigay nila sa head ang baril na dala dala nila. Pati na rin ang mga dating nangyari sa kanila, nuong unang araw na nanggulo sa kanila si Jannina. Lahat ng mga papel na 'yon ay binigay nila sa presinto.
"Maraming salamat po, chief. Mauna na po kami. Sabihan niyo lang po kami kung may problema pa." Sabi ni Jimin. Tumango naman ang chief at saka sila nagsialisan.
"Siguro naman ito na ang huli. Wala na naman na silang takas 'diba?" Paninigurado ni J-hope.
"Oo, huli na 'to. Hindi ko na hahayaang makalabas silang dalawa. Dahil dyan sila nababagay."
BINABASA MO ANG
ALWH 2: A New Life (Jimin Fanfiction)
FanfictionTuklasan ang bagong buhay ng mag-asawang si Tiana at Jimin kasama ang bagong miyembro ng kanilang pamilya. A Life With Him book 2. @-deerqueen