"Umuwi na tayo."
Ayan ang huling salita na narinig ko mula kay Jimin.
Nang makarating kami sa bahayㅡdire-diretso siya sa kwarto namin.
"Mommy." Si Kamren.
"Baby boy, gising ka pa. Bakit hindi ka pa natutulog?" Tanong ko habang hinahaplos ko yung buhok niya.
"I can sense something, Mom." Nangunot naman noo ko. "Nag-away kayo ni Dad, right? I can feel it, Mom."
"Baby, go to your room na. Maaga ka pa ba bukas." Wala naman siyang nagawa kundi umakyat na lang sa kwarto niya.
Ako namanㅡnapaupo lang sa sofa naming malaki at mahaba. Napahawak ako sa ulo ko at hinilot-hilot 'yon. Sumasakit ang ulo koㅡgalit pa sa'kin ang asawa ko.
Lumipas ang ilang minuto. Umakyat ako sa kwarto namin ni Jimin. Nakita kong nakahiga na siya at nakapikit na ang mga mata.
Tumabi ako sakanya at tinignan ko muna siya. "Alam kong hindi ka pa tulog.." Sambit ko habang nakatingin lang sakanya.
Bumuntong hininga ako. "Alam ko galit ka, Jimin. Pero asawa kita. Alam mo namang mahal kita. Si Chunji, wala lang 'yon. Ayon yung sinasabi ko sa'yong model ko. Pa'no ko sisimulan ang pagtatrabaho ko kasama niya kung ngayon pa langㅡgalit ka na.."
Naghintay ako ng ilang minuto pero wala talaga siyang sagot. Malamang narinig niya 'yonㅡayaw niya lang talagang sumagot. Ganito siya kapag nagagalit.
Kaya wala na akong ibang nagawa kundi humiga na rin pero nakatalikod sakanya. Pipikit na sana akoㅡnang bigla kong naramdaman na gumalaw ang kama.
"Yeobo.."
Hinawakan ni Jimin ang braso ko saka ako hinarap sakanya. Ngayon ay seryoso siyang nakatingin sa'kin.
"I'm sorry.." Nanlaki naman ang mata ko nang bigla kong nakita na merong tumulong mula sa mga mata niya. "Yeobo, I'm sorry.."
"Shh.." Pinunasan ko ang mga luha niya. Simula nong kinasal kami ni Jimin naging ganito na siya. Iyakinㅡkapag nag-aaway kami. "Chim, 'wag mo na intindihin 'yon, ha? Hindi ka dapat nagseselos kasi alam mo naman na ikaw lang ang mahal ko, 'diba? Asawa na kita.."
Niyakap niya naman ako. Mahigpit na mahigpit. "Natatakot lang ako, Tin. Baka mamayaㅡ"
"Chim naman eh. Hindi niya ako maaagaw. Isa paㅡkatrabaho ko lang siya. Walang malisya."
"Oo nga. Pero iba ang tingin niya sa'yo eh. May gusto siya sa'yo, Tin."
"Tsk. Wala akong pakialam kung meron siyang gusto sa'kin basta ang lagi mong tatandaanㅡsa'yo lang ako. Asawa mo 'ko. Ikaw lang ang mahal ko, okay?"
BINABASA MO ANG
ALWH 2: A New Life (Jimin Fanfiction)
FanficTuklasan ang bagong buhay ng mag-asawang si Tiana at Jimin kasama ang bagong miyembro ng kanilang pamilya. A Life With Him book 2. @-deerqueen