01: Pag-ibig

188 7 0
                                    

Ang tunay na pag-ibig ay kusang dumarating,
Abutin man ng ilang taon,
Lumipas man ang panahon,
Itoʼy darating sa nakatakdang pagkakataon.

Mahalin ang sarili higit pa sa lubos,
Hʼwag hahayaang sa maling taoʼy maubos.
Pagmamahal at arugaʼy sa sarili ibuhos.
Huwag sa lalaking kung manakit sa pusoʼy tagos.

Sa kalungkutaʼy huwag magpapadala
Sapagkat pagkatapos nitoʼy bagong umaga.
Tulad ng araw sa umaga, pag-asa moʼy sisikat.
Sa pagkakataong iyoʼy gawin ang nararapat.

Unahin ang sarili, sa matatamis na salitaʼy huwag magpadala.
Lalo naʼt sa mga pangakong kadala-dala.
Mga pangakong sa huliʼy nagiging basura.
At matatamis na sandaliʼy nagiging alaala.

Sa pag-ibig ay huwag magmadali,
Sapagkat ang nagmamadali ay siyang nagkakamali.
Iyong tadhanaʼy matagal nang nakaukit.
Kaya binibini, sa lalakiʼy huwag basta-bastang maaakit.


yang_yanggg

Mi Poema Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon