Isang bansang may pagkakaisaʼt bayanihan.
Sa kabila ng anong pagsubok ay nagtutulungan.
Mga mamamayan at may paninindigan.
Sa hamon ng bukas ay sama-samang lumalaban.Mga Pilipinong pinagtatawanan ng mga banyaga.
Mga taong kinukutya.
Mga mamamayang pinamagatang mangmang at walang pinang-aralan.
At bansang minamaliit at inaapakan.Ilan lamang ʼyan sa ating nararanasan.
Hindi nila alam gaano kabuti ating mamamayan,
Kung gaano katatag mula sa pagsakop ng mga dayunan,
Kung gaano katapang upang bayan ay ipaglaban.
At paano ialay ang sariling dugo para sa kapayapaan.Pilipinas, ang lupang ating sinilangan.
Kung saan tayo namulat at nakaramdam.
Bayan na kay tatag sa kabila ng maraming pananakop.
Nanatiling lumalaban upang muling makaahon.Ipinagmamalaki na akoʼy isang Pilipinong mamamayan.
Akoʼy lubos na pinagpalat sa lupaing ito akoʼy isinilang.
Kaya, bayang naging tahanan ay ating ipaglaban—
Mula sa mga ganid at sakim na dayuhan.yang_yangggg