17: Manunulat

15 4 0
                                    

Nagtatago sa ibang pangalan
Meron namang naglalagay ng totoong pagkakilanlan.
Mga simpleng taong gustong magbigay inspirasyon.
Mga taong ginagamit ang talento upang magbigay motibasyon.

Sa kanilang mga akdaʼy tayoʼy namamangha,
Sapagkat tilaʼy may dala itong hiwaga.
Sa bawat salitaʼy nababalot ng ibaʼt ibang mahika,
Nakakabighaniʼt nakakadala.

Ipagmamalaki kong akoʼy isa sa kanila.
Nakakataba ng puso maging isang manunulat na kahit hindi ganoʼn kakilala
Mga akdang aking sinusulat ay para sa madla.
Upang sa kanilaʼy may magpapaalala na sa kanilaʼy may nagmamahalan at naniniwala.

Imahinasyong aming taglay,
Ang siyang aming ginagamit upang magsalaysay.
Mga kwentong gusto naming ibahagiʼt isiwalat,
Ay siyang aming sinusulat.

Ang pagsusulat ay siyang talintong gusto naming ibahagi.
Mga aral sanaʼy sa puso niyoʼy mamalagi
Galing sa aming akdang tinatangi.
Nawaʼy maging dahilan upang kayoʼy patuloy na ngumiti.

Aming mambabasa, sa inyo plumaʼy patuloy na gumagalaw.
Kamay ay patuloy nagbibigay buhay
Sa mga salitang mula sa imahinasyong makulay—
Ng mga manunulat na mahusay.

yang_yangggg

Mi Poema Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon