Tanging kayamanan na hindi kayang kuhanin.
Sagot sa kapahirapan at suliranin.
Makapagtapos nito ang siyang ating layunin,
Upang sa mundong ginagalawan ay hindi lalaitiʼt aapihin.Ngunit, hindi lahat ay nabibigayaʼng pribilehiyo.
Hindi lahat ay nakakapag-aral at nakakatungtong sa kolehiyo.
Dahil walang maitustos o paaralaʼy malayo.
May iba namang tahanaʼy nilisan upang makapag-aral sa ibang ibayo.Totoong sa gobyernoʼy may libre,
Ngunit lahat ba ay nabibigayaʼt napipili?
Kailangan pang sumailalim sa mga pagsusuri.
Upang sa huliʼy mapili—ngunit tyansaʼy hindi mawari.Maraming estudyante ang gustong magkapagtapos ng pag-aaral.
Ngunit mga katanungaʼy sa isipaʼy umiiral—
Kung kaya ba ng pamilya ang suportang pinansiyal.
Kaya sa huliʼy piniling magtrabahoʼt huwag nang mag-aral.Ngunit hindi lahat ng hindi nakapagpagtapos ang naghihirap
Dahil kung ikaw ay may tiyagaʼt pagsisikap.
Walang imposibleng hindi matupad ang iyong mga pangarap.Sa edukasyon ay walang kompetisyon
Kung sinong mauunaʼt magkaroon ng propesyon.
Pwede kang mag-aral at makapagtapos sa takdang panahon.
Kaya sa lahat ng nangangap kayoʼy magsumikap at PADAYON .yang_yangggg
