04: Paninira

61 4 0
                                    


Katahimikan—ang siyaʼng iyong isagot
Sa mga taong mapaniraʼt sayoʼy may poot.
Kailan maʼy huwag hahayaang ikaw ay masira
Dahil sa mga taong walang ginawa kung ʼdi ang manghusgaʼt sa nararamdamaʼy walang pag-konsidera.

Ikaw ang siyaʼng nakakilala sa iyong tunay na pagkatao.
Hayaan mo silang madehado-
Sa kanilang pag-iisip na hindi sigurado,
At kailangan maʼy hindi magiging totoo.

Iyong ipakita ang iyong kabutihan
Sa mga taong pilit kang sinisiraan.
Dahil kailan maʼy ang siyang naninira ay siyang nasa ibabaʼt lugmok.
At ang mapagkubabaʼy umangaʼt hinihimok.

Hindi ako o sila ang nakakakilala sa iyong sarili, tanging ikaw lamang at walang iba.
Kayaʼt kahit anong sabihin nilaʼy huwag magpadala.
Manahimik ka lamang at iyong oras ay huwag iaksaya-
Sa mga taong naninira lamang upang sumaya.

yang_yangggg

Mi Poema Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon