Mga modernong bayani ng ating lipunan.
Makabagong pag-asa ng ating bayan.
Nagbibigay aral sa ating mga kabataan.
Mga mag-aaral ay kanilang ginagabayan,
Patungo sa kanilang kaunlaran.Silaʼy binansagang pangalawang magulang,
Silaʼy nirerespetoʼt ginagalang.
Silaʼy labis na hinahangaan
Dahil sa kanilang prinsipyoʼt paninidigan,
At hangaring kabataaʼy matulungan.Kahit kadalasaʼy mag-aaral ay nagbibigay sakit sa ulo,
Pasensiya nilaʼy hinahabaan ng todo.
Sa lahat ay kanilang iniintindi.
Kaya patawad kung minsaʼy kamiʼy nagkakamali.
Pagmamahal namiʼy sa inyoʼy hindi maikubli.Huwaran kayong tunay, hindi na kailangan ng patunay,
Sapagkat kayo ang naging tulay
Upang kamiʼy magtagumpay.
At lahat ng itoʼy sa inyoʼy iaaalay.Batid namin ang inyong hirap
Upang kami ng magabayan sa aming mga pangarap.
Kahit kamiʼy hindi galing sa inyoʼy tinuturing niyo pa ring mga anak.
At kapag luha namiʼy pumapatak,
Kayo ang nagsasabing, "laban lang, anak."Itong tulang aking isinulat
Ay iniaalay ko sa inyong lahat.
Kamiʼy lubos at malugod na nagpapasalamat
Sapagkat isa kayo sa dahilan sa mundoʼy kamiʼy namulat.yang_yangggg
