Hindi madali ang paglikha ng tula,
Minsaʼy nauubusan na ng mga salita.
Ngunit para sa inyo mga taga suporta,
Gagawin ang lahat upang may mailathala.Plumaʼt papel ang siyang aking bibig,
Pagsusulat ay siyang aking iniibig.
Mga mensaheng kasing linaw ng tubig,
Mga mensaheng sa inyoʼy nais ipahiwatig.Akoʼy baguhan lamang sa larangang ito.
Hindi lubos maisip na makakagawa ng konsepto—
Na maiibigan ng mga mambabasa nito.
At akoʼy patuloy na magsusulat para sa inyo.Aking mga salitaʼy nawa'y maging gabay,
Sa mga daan na inyong nilalakbay.
Magsilbing liwanag at sinag—
Sa paglalakbay na iyong tinatahak.Literaturang aking minamahal
Nawa'y inyong pagkakaingatan
Sapagkat itong yaman na hindi mapapalitan.
Magagamit sa ating kinabukasan
At nakaukit na sa ating nakaraan.yang_yangggg