Sa pagsikat ng araw, panibagong buhay muling sisimulan.
Panibagong pahina ng buhay ay susulatan.
At sa ating mga kamay nakasalalay ating kapalaran.
Nawaʼy maisulat ng tama ating kinabukasan.Sa panibagong taon, ay panibagong pagsubok ang siyang ating haharapin.
Ang mga nalugmok kahapon ay muling babangon,
Ang mga nasaktan at nagdusa’y muling haharap sa hamon.
Iiwan lahat ng sakit ng kahapon
At pipiliting ang sarili'y ibangon.Sa pagpasok ng panibagong taon,
Nawa’y malipad niyo ang inyong tagumpay tulad ng ibon.
Maging payapa ang iyong isip at kalooban.
At ibigay sa inyo ang matagal niyo ng kahilingan.Magsimula ng panibago,
Ikawʼy humakbang mula sa pagkabigo;
Palayain sa sarili mula sa pagkabilanggo,
At panibagong pag-asaʼy ikawʼy tumungo.-yang_yangggg