Sa kanilaʼy akoʼy nakakaramadam ng kilig at tuwa.
Akoʼy binibigyan ng aral at malawak na pag-unawa.
Sa kalungkutaʼy akoʼy kanilang pinapatawa,
Gamit ang mga buhay na salita sa puso koʼy ginhawa.Papel man kong itoʼy tignan,
Ngunit sa magulong mundoʼy itoʼy aking sandigan.
Ginawa man ito upang gawing babasahin,
Ngunit sa akiʼy itoʼy nakakagaan ng damdamin.Sa kasiyahan man o kalungkutan, aklat koʼy aking mananatiling kaibigan.
Hindi ko man nakakausap at nagiging ka-kwentuhan,
Ngunit itoʼy sapat na upang aking maging sandigan.
Papel man kung ituring ngunit sa mambabasaʼy itoʼy kanilang tahanan.Pagluha, galak, at pighati iyan ang aking nararamdaman—
Sa tuwing aklat koʼy aking binubuksan.
Sa papel na itoʼy akoʼy natutong magmahal ng taong hindi mabubuhay kailanman.
Sapagkat itoʼy nakatira sa mundong umiiral sa aking imahinasyon at isipan.yang_yangggg
