09: Iniwan

51 4 0
                                    


Akoʼy natutuwa sa sandaling ikawʼy kausap.
Kahit ang totooʼy pusoʼt isipan moʼy may ibang hinahanap.
Kasalanan ba kung ikaw ang siyang aking hangad at pangarap?
Kaya kong ibigay iyong nais—sanaʼy ako nalang, pakiusap.

Sa panahong pilit at hiram,
Ninanais na sanaʼy ikawʼy
makaramdam—
Na ikaw ang siyang  pinakakakaasam at kailangan.
Oras na hiram ay sanaʼy huwag sanang magpaalam.

Ngunit dumating ang oras na ikawʼy tuluyang lumisan.
Bumalik sa tunay na nag-mamay-ariʼt akoʼy iniwan.
Hindi sigurado kung ako pa baʼy babalikan.
Pipiliting maging masaya kasama ang mga alalaang naiwan.

Sa tuwing atensiyon moʼy nasa kanya.
Naiisip kong, ang swerte naman niya?
Kaya ko namang gawin lahat upang sayoʼy maging kaaya-aya.
Ngunit akoʼy walang magawa dahil sa kanyaʼy ikawʼy maligayaʼt malaya.

Minsan, tinatanong aking sarili, anong kulang?
Bakit hindi ako nalang?
Ako baʼy hindi magandang kausap o nakakailang?
Kaya ko namang magbago, sabihin mo lang.

At sa huliʼy aking naisip,
Sarili koʼy sayoʼy hindi na ipipilit.
Susubukang kalimutan ang sakit.
Ngingiting muli kahit na mapait.

yang_yangggg

Mi Poema Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon