14: Pagkabata

32 4 0
                                    

Pagkabata, dito tayo nagsimulang mangarap.
Sa murang edad ay nagtitiis sa hirap,
Natutong mag-sumikap,
Makamit lamang ang tagumpay sa hinaharap.

Kay gandang balikan ang ating kabataan.
Tumabang preso, bahay-bahayan, at tagu-taguan.
Ilan sa mga pangbatang laro na hatid sa atiʼy kaligayahan.
Walang problema at kasiyahan lang ang siyaʼng nasa isipan.

Kay sarap ng mga panahong wala pa tayong kaalaman—
Sa matinik na mundong ating ginagalawan.
Pusoʼt isipaʼy may labis na kaligayan.
Sa simpleng bagay na napabibigyan.

Mga gunitaʼt alaala ng ating kabataan,
Walang makakapantay kailanman.
Mga ala-alang naging parte ng nakaraan.
Mga karanasang hindi na mababalikan.

Hindi man natin maibabalik ang kahapon.
Pwede pa rin naman natin buhayin ngayon,
Dahil ang mga aral ng kahapon
Ay siyang ating sandataʼt direksiyon kapag tayoʼy sinusubok ng panahon.

yang_yangggg

Mi Poema Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon