20: Bulaklak

17 4 0
                                    

Sa hardin ng magagandang rosas,
Sa gitna ng mababangong halimuyak ng bulaklak,
Ikawʼy naiibaʼt natatangi,
Ang taglay mong gandaʼy nakakabighani.


Tunay kang naiiba sapagkat alindog moʼy bibihira.
Sa isipaʼy hindi mabura-bura.
Sa hangiʼy halimuyak moʼy sumasama.
At nakakabighani mong katangiaʼy aking nadarama.

Bubuka, titiklop, bubuka, titiklop
Sa bulaklak na itoʼy akoʼy nahihigop.
Ngunit ng hawakan koʼy biglang tumiklop.
Ginawa ko baʼy hindi naaangkop?


Tunay ngang kaakit-akit ang iyong alindog.
Kaya hayaang matatamis na salitaʼy sayoʼy ihandog
At aking sasamahan ng magandang tugtog.
Dahil sa iyoʼy tuluyang nahulog.


Oo nga, ikaw binibini ang aking bulaklak,
Sa'yo akoʼy nabibighani, iyan ang tiyak.
Nang dahil sa'yo akoʼy nagaganyak,
Na ipagpatuloy itong aking tinatahak.
Ang protekhan ka sa lahat kahit akoʼy mapahak.

yang_yangggg

Mi Poema Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon