22: Buwan

17 4 0
                                    

Sa walang hanggang kalakawan,
Ikaw ay nagbibigay liwanag
Sa ilalim ng gabing madilim,
Kasama ang mga nagniningning na bituin.


Nawalan ka man ng buhay,
Patuloy ka pa ring nagbibigay kulay.
Sa gabing nababalot ng kadimilaʼy
Liwanag mo ang nagbibigay gabay.
Mga puso sa dilim ay nagiging dalisay.


Sa pagdilim ng paligid at paglubog ng araw,
Ikaw ay lalabas at aming matatanaw.
Mula sa malayoʼy kay gandang pagmasdan.
Kumikinang at sa pakiramdam ay nakakadagaan.


Hindi mabatid kung bakit sa kadilimaʼy kamiʼy nagagayak
Marahil may liwanag kaming natitiyak.
Hindi lamang kawalakan ang iyong pinapaliwanag,
Ngunit pati rin ng mga taong sa pag-ibig ay nabihag.


Sa gabi ikawʼy bay nagmamasid?
Kami bay tunay mong sinusundan?
Sa gabing kamiʼy nasasaktan at duguan Kamiʼy napapatingala at aming pusoʼy iyong  napapagaan.



Tunay ngang ikaw ay biyaya
Para sa aming sa kadilimaʼy nalulugmok
Pinapaalala mong kahit sa dilim ay may hihimok,
At magiging liwanag sa tahanan ng mga pagsubok.


yang_yangggg

Mi Poema Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon