Dedicated to: AlyannaMarieYanAlorr
Pagkikita natiʼy hindi ko pinagsisihan,
Kahit itoʼy naging dahilan ng kasawian.
Mga sandaling ikaw at akoʼy nagmamahalan,
Biglang nauwi sa pamamaalam at iyakan.Nasaan ka na nga ba ngayon?
Ikaw ba ay may iba ng karelasyon?
Marahil ay "oo" dahil ikawʼy tuluyang naglaho.
At ako ngayon ay nakatali pa rin sa iyong mga pangako.Baka ngaʼy tama sila, hindi tayo ang para sa isa't isa.
Sanaʼy nakapaghanda man lang hindi ba?
Sana ngayoʼy hindi na nagsisisiʼt nagdurusa.
At bakaʼy pusoʼt isapaʼy kinalimutan ka na ng kusa.Baka nga ako lang ang umasa na tayoʼng dalawa ang siyang nakatadhana.
Sana sa simula pa lang ay sumuko na.
Baka ako lang ang nagpapatuloy habang ikawʼy may iba.
Sanaʼy sinabi mo nalang ʼdi ba?
Baka hindi na umasa pa.Ngayoʼy umaasang bakaʼy makahanap pa ng taong mag-aalaga.
Hindi ako iiwan at siyaʼy magiging kalinga.
Ngunit, sanaʼy sakit na iyong idinulot ay makalimutan,
At sa pagkasawiʼy tuluyan nang lilisan.yang_yangggg