08: Pahingaʼt Tahanan

66 5 0
                                    


Sa magulo at nakakapagod na mundoʼy ikaw ang siyaʼng aking pahinga-
Dahilan kung bakit sayoʼy patuloy na humahanga.
Dahil sa iyoʼy nakahanap ng kalinga.
Nakakasakal man ang mundo, sayo akoʼy nakakaginhawa.

Iyong mga ngiti ang siyaʼng aking liwanag.
Madilim man ang daang tinatahak, ngiti moʼy siyaʼng nagbibigay sinag.
Dahil sa iyo, ang kadilimaʼy nagiging maliwanag.
Kayaʼt kinabukasan koʼy sayoʼy naaaninag.

Kung darating man ang panahon na ikawʼy lilisan,
At ating pag-iibigan ay tuluyan nang wawakasan,
Sanaʼy akoʼy iyong ibalik sa aking nakaraan.
Sa mga panahong ikaw ay hindi pa kilala bago ka lumisan.

Ngunit sa panahon ngayon, hayaang ikawʼy ay aking mahalin.
Hindi hahayaang ating relasyon iyong lisanin.
Tayoʼy magsama sa ano mang pagsubok na tatahakin.
At sa huliʼy ikaw ay mananatiling akin.

Aking pahinga, ikaw ang siyaʼng aking lakas.
Kaya nanatiling matatang sa lahat ng pagsubok na dinaranas.
Kaya, samahan mo ako hanggang sa susunod na mga bukas.
Ating kwentoʼy ipagpatuloy hanggang wakas.

Ikaw ang pahingaʼt aking kanlungan.
Kapag napapagod, ikaw ang siyang takbuhan.
Nagbibigay lakas upang ipagpatuloy ang nasimulan.
At dahil sayo, akoʼy patuloy na lalaban, o aking pahingaʼt tahanan.

yang_yangggg

Mi Poema Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon