Isang salita, walong letra.
Libo-libong kasiyahan ang dala.
Kasama sa kalokohan,
Maging sa kalungkutan.
Sila ang maituturing kong pangalawang pamilya,
Kahit minsan sila'y pilyo't pilya.
Kung humugot ay parang ampalaya,
Ngunit sa kanila'y ako'y masaya.Humantong man sa tampuhan,
Minsa'y may nagkakagalitan,
Lumipas man ang mga buwan,
Nanatiling matatag ang samahan.
Maraming pagsubok man ang haharapin,
Pagkakaibiga'y mananatili pa rin.
Tayo'y pinagtibay ng panahon,
Sa pagkakadapa'y sama-samang babangon.Sama-samang nangarap noon,
Sama-sama ring aangat pagdating ng panahon.
Magkahiwalay man ang tinahak na daan ngayon,
Sa dulo nitong hamon ng buhay ay parehong magiging kampiyon.
Mga taong kasama sa katuwaan;
Mga taong kaagapay sa kalungkutan;
Mga taong hinding-hindi ka iiwan;
Mga taong matatawag kong KAIBIGAN.yang_yangggg
