Pinipilit magpakatatag sa kabila ng mga luha.
Mga mataʼy walang makikitang tuwa.
Mga problemang dala-dalaʼy pilit tinatago.
Ngumingiti upang kalungkutaʼy maikubli.
Kahit sa responsibilidad ay nakatali.Sakripisyoʼng ibinigay ay hindi matutumbasan.
Sakripisyoʼng —responsibilidad at pagmamahal ang siyang dahilan.
Hindi man natin nakikita ng harapan.
Ngunit pag mag-isaʼy silaʼy nanlalambot at luhaan.Kay gagaling kung magtago ng nararamdaman.
Mapapaniwala ka sa kanilang pekeng kasiyahan
Kahit na sa kaloob-loobaʼy wasak at duguan.
Kaya silaʼy tunay na hinahangaan.Panganay, hindi mo makakaila na mundoʼy kanilang pasan-pasan.
Maraming responsibilidad sa kanilaʼy nakalaan.
Nagtatago sa maskara ng ngiting mapanlinlang.
Hindi na alam kung magpapatuloy o susuko nalang.Kailan nga ba sila magiging magiging tunay na masaya?
Kapag sila baʼy ginagawan na ng elehiya?
May karapatan naman silang lumigaya
Bigyan natin sila ng rason upang tumawa kahit bahagya.
Dahil kahit sarili nilaʼy kayang itaya
Upang pamilyaʼy maging maligayaʼt masaya.Pag-unawaʼt pag-intindi sa kanilaʼ ibahagi.
Huwag nang magpalinlang sa kanilang mga ngiti.
Tumingin sa kanilang mga mata ng direkta.
At tunay na nararamdaman nilaʼy iyong makikita.Sa lahat ng panganay, mas tatagan niyo pa at isang mahigpit na yakap para sa inyo.
yang_yangggg