Tayoʼy nagtagpo sa hindi inaasahang pagkakataon.
Tilaʼy sa isang iglap nagkaroon ng atraksyon.
Atensiyon koʼy sayoʼy tinuon.
Hindi inaasahang sa'yoʼy magkaka-reaksyon.Sa tuwing ikawʼy sa malapit akoʼy pasulyap-sulyap.
Isang araw akoʼy nilapitaʼt kinausap.
At tilaʼy natupad ang aking pangarap.
Puso koʼy kinakabahan , dilaʼy nawalan ng pangungusap.Matalino ngaʼt madiskarte ngunit pagdating sa iyoʼy hindi makampante.
Minsaʼy hindi mapakali sa tuwing sa akiʼy ngumingiti.
Nanginginig at kinakabahan sa tuwing bumabati.
Hindi alam ang gagawiʼt pusoʼt isipaʼy nagdedebate.Hindi mawari kung ito pa baʼy simpleng paghanga lamang.
Akoʼy lubos na naguguluhan.
Nararamdamaʼy baʼy itutuloy o kakalimutan.
Aking tuwaʼt ngiti sa iyoʼy meron na bang kahulugan?Akoʼy napapangiti sa tuwing pangalan moʼy aking babanggitin.
Hindi mawari ang aking damdamin.
Siguroʼy hindi na ito simpleng pagtingin.
Kung akoʼy nahuhulog na, handa mo bang saluhin?
yang_yangggg
