Sa gitna ng madilim na kalangitan,
Sa isang malamig na gabi,
Pinilit inaalala kung saan nagkamali—
At bakit hindi ako ang iyong pinili?Matang pilit na pinipikit.
Bibig na pilit na tinitikom.
Mga luhang pilit na pinapatigil.
Mga katanungang pilit na sinasagot.
Kailan nga ba ako mapapagod?Awiting aking pinapakinggan ay walang balak nang tapusin pa.
Sapagkat sa dulo nitoʼy pagtatapos din ng ating estorya.
Paulit-ulit na pinapatugtog,
Hanggang musikaʼy tuluyang nawalan ng tunog.Binuka ang mga mata,
Katotohanaʼy aking nakita.
Itikom ang bibig, luhaʼy patuloy na umaagos.
Katotohanang sa puso ay tagos—
Sa puso mong siya ang nagmamay-ari.
Kaya kahit pilitin pa ay hindi na maaari.Tilaʼy kalangitang nakikisama sa aking pagluluksa,
Luhang tulad ng ulan na bumabagsak ng kusa,
At tulad ng ulan,
Darating ang panahon na ako'y tatahan
Kalilimutan sakit na idinulot at mga sugat na natamo
Mula sa pag-ibig na 'di tapat at totoo.Sa panibagong hapon,
Iyong alaalaʼy matututuhan ko ring ibaon.
Puso ko sayoʼy susuko.
Ikawʼy kakalimutan kasama ng iyong mga pangako.yang_yangggg
