21: Magulang

14 5 0
                                    

Magulang, ang aking buhay at laman.
Sila ang aking inspirasyon sa bawat laban.
Ma, pa, sarili koʼy aking lalakasan.
Sa aking paglalakbay akoʼy inyong sa samahan.
Handa na ako lumaban para sa ating kinabukasan.

Kayo ang siyang aking lakas at kahinaan.
Sanaʼy huwag niyo akong iiwan habang lumalaban.
Samahan niyo lang ako hanggang katapusan.
Dahil sa lungkot kayo ang aking nasasandalan.

Kahit minsaʼy kayo ang dahil ba't ako nasasaktan
Ngunit sa inyoʼy hindi nagtanim ng masama sa aking kalooban.
Kayoʼy taos pusong iintindihin
At patuloy kong mamahalin.


Mahal ko kayo higit pa sa lahat.
Pagmamahal ko sa inyoʼy walang katapat.
Kahit buhay natin ngayoʼy mahirap at mabigat,
Siya paring magiging dahilan upang tayoʼy umangat.



Ma, pa, kamay koʼy huwag niyong papakawalan.
Huwag niyo akong hayaang mag-isaʼt luhaan.
Alapaap may handang liparin
Upang kayo ay manatili lang sa akin.



Kagihawaan sa buhay ay hindi ko matatawag na tagumpay
Kung wala na ang dalawang taong aking kaagapay.
Taong kahit sa kadilimaʼy nakahawak pa rin saʼking kamay.
Ang aking tunay na kayamanan at buhay.


yang_yangggg

Mi Poema Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon