10: Depresyon

50 4 1
                                    

Isip, ang siyang mahirap na kalaban.
Nagbibigay sa'yo ng sandamakmak na katanungan.
Akoʼy hindi sikologo o sikiyatra ngunit alam ko ang iyong nararamdaman.
Batid ko ang dala mong kalungkutan.


Sakit at kalungkutaʼy hindi na maikubli.
Dahil mga hindi sinadyaʼng pagkakamali.
Kayaʼt pag-iyak ay siyang nagagawa sa huli.
At lahat ng kamaliaʼy sinisisi sa sarili.

Sa madilim na parte ng iyong buhay,
Kung saan sarili mo lang ang iyong kaagapay,
Panahon na gusto mong itigil ang buhay.
Huwag mong kakalimutang hawakan ang aking kamay.
Sa depresyon, sasamahan kitang lumabaʼt magtagumpay.

Hindi ka nag-iisa, iyan ang iyong pakatandaan.
Akoʼy andito handa kang tulungan.
Huwag matakot na akoʼy lapitan.
Depresyon moʼy ating wawakasan.
At muling magbabalik iyong kaligayahan.



Hindi ka man perpekto ngunit tanggap ka namin.
Lahat ng sakit at pagdurusaʼy huwag mong sarilihin.
Dahil nandito kaming nagmamahal sa iyo, handa kang yakapin.
At ipapaalang bituiʼy kayang sungkitin-
Maging maayos ka lang iyan ang aming hihilingin.

yang_yangggg

Mi Poema Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon