Inhinyero, Arkitekto, Doktor, at Abogado, ilan ʼyan sa mga kursong gusto natin.
Ngunit ika nga, hindi lahat ay pwedeng kuhanin.
Dahil sa kawalan ng peraʼy ang hirap kamitin-
Dahil magulang ay ʼdi ka na kayang pag-aralin.Hindi lang ikaw ang nakakaranas nito.
Maging akoʼy isa rin sa inyo.
Aking pangarap na maging inhinyero-
Ay parang paru-parong lumipad sa malayo.
Kay hirap habulin dahil nasa magkabilang ibayo.Marahil hindi mo nakuha ang kursong iyong minimithi.
Hindi man naibigay sa'yo ang matagal mo nang hinihingi.
Maniwala ka at sa'yo ay may magandang naghihintay.
Magtiwala ka lang at maging matibay.Lahat ng nangyayari sayoʼy may dahilan.
Sa pangarap mong kursoʼy hindi ka napabigyan.
Ngunit tandaang sa'yoy may magandang naghihintay.
At sa huliʼy ikawʼy sanaʼy magtagumpay.Hindi man ito ang daan na gusto mong tahakin.
Laging tandaan, may mga panahon ka upang pangarap moʼy iyong kamtin.
Sa anong dagok na tatahakin,
Maging matibay ka sanaʼt pagpalain.Itatak mo sa iyong pusoʼt isipan
Hindi pa iyon ang hangganan.
Marami ka pang pagdadaanan.
At pangarap moʼy pwede mo pang makamtan.
Maniwala ka lang sa iyong kakayanan.
At sa huliʼy pangarap moʼymakakamtan.yang_yangggg