8

686 43 1
                                    

The Adventure of Sleeping Beauty

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 8

Alam kong putol ang nabasa ninyo kagabi dahil iyon lang ang na-update ni Wattpad at sad to say, isinulat ko ulit ang karugtong. Sayang ang oras ko. Hahaha! Ang haba rin nung pinutol nila ha. At wala pa sa revision history.

Unedited...

" Hael? Pupunta ako sa US, sana sa pagbalik ko, nandito ka pa rin," paalam ni Baron habang pasakay na sila sa chopper pabalik sa Maynila. Namasyal lang sila, nag-boating at iginala siya ni Baron sa buong isla ng Guimaras.
"Bakit?"
"May aasikasuhin lang na negosyo," sagot ni Baron.
"Baron? Ilang taon ka na ba talaga? At ano ang apelyido mo?" tanong ni Hael para maiba ang usapan. Aalis ito? Bakit parang nalungkot siya?
"Angeles, sixteen years old," sagot ni Baron.
"Sixteen ka pa lang?" hindi makapaniwalang tanong ni Hael.
"Oo, bakit gulat na gulat ka?"
"Mas matanda pa pala ako sa iyo, eighteen na ako," sabi ni Hael. Kaka-debut lang niya.
"Psh, parang dalawang taon
Age doesn't matter," bulong ni Baron kaya napangiti si Hael.
"Eh kung dalhin ko na lang kaya siya sa future?" bulong niya. Para may tagapagtanggol naman siya laban sa quadruplets.
"Ano ang sabi mo?" tanong ni Baron. "Dalhin mo ako sa future? Kanina lang tayo, nag-iisip ka na ng future natin?"
"Bakit? Wala namang masama dahil guwapo ka, suplado nga lang," sagot ni Hael kaya napangiti si Baron.
"Guwapo ako?"
Tumawa si Hael. Para kasi itong bata. Napatakip siya sa tainga dahil nabibingi siya kahit na naka-headset na.
"Oo! Pogi ang boyfriend ko kaya huwag mo na akong awayin ha!" sigaw niya.
"Huwag kang sumigaw, halata talagang firstime mong sumakay!" natatwang sabi ni Baron at napatingin sa maamong mukha ni Hael. Hindi ito kasing yaman ng bestfriend niya pero natutuwa talaga siya kapag kasama niya ito.
Matapos ang ilang minuto, nakalapag na sila sa helipad ng mansion. Wala ang ama ni Baron kaya malayang nakapag-explore si Hael sa buong bahay. Paminsan-minsan ay tumitingin siya sa litratong nasa bahay pero wala siyang mamukhaan. Naisip niya na sana ay may dala siyang camera pero pagdating dito, iba ang suot niyang damit.
"Baron? Uuwi na ako, hinihintay na ako ni Lola Pasing," paalam ni Patch. Maloko kaya ang matandang iyon, palagi siyang sinusupalpal.
"Hael? Bukas, sunduin kita sa school ninyo, gusto kong sulitin ang nalalabing araw na kasama ka," sabi ni Baron at hinawakan siya sa kanang kamay.
"Baron? M-Mahal mo ba talaga ako?" tanong ni Hael. Okay, guwapo si Baron at makinis pa ang mukha. May pagka-badboy image lang dahil sa makapal na kilay at astig kung pumorma at maglakad, parang gangster.
"Ewan ko, basta masaya ako kapag kasama ka," pag-amin ni Baron. Kaya niya sinusundan palagi si Hael ay dahil unang kita pa lang niya sa dalaga, nakuha na agad ang atensyon niya ng inosente nitong mga mata. "Hindi ko naman naramdaman ang ganito sa iba."
"Hindi ba't mahal mo ang bestfriend mo?" tanong ni Hael.
"Mahal ko siya dahil mula noon, akala ko kami na. Akala ko, mahal din niya ako. Ang sweet kasi niya sa akin pero mula nang dumating si Lee, hindi na niya ako pinapansin. Mas gusto pa nitong sumama sa racing kina Lee kaysa sa akin!" naiinis na sabi ni Baron. Pakiramdam niya ay na ichipwera na siya kapag nandiyan si Lee. Hindi siya sanay sa gano'n dahil sila ang palaging magkasama. Okay, nagseselos siya dahil naagawan siya ng kaibigan ni Lee. At madalas ay natatalo pa siya nito sa racing. Okay lang kapag ang bestfriend niya ang makatalo sa kaniya dahil racer queen nga ang tawag nila rito. Pero si Lee? Kumukulo ang dugo niya sa hambog na iyon.
"Nagseselos ka kay Lee?" tukso ni Hael.
"Dapat lang! Ako naman talaga ang nauna! Inagawan niya ako ng mga kaibigan!" Sina Ryan at Adrian, mas madalas na tumambay kasama si Lee. Dati rati naman, siya ang niyayaya nila. Minsan, sinubukan niyang makisabay pero na-OP lang siya kaya humanap na lang siya ng mga bagong kaibigan kahit na masama sa loob niya. Mabait sina Adrian. Mas madalas pa nga silang matawanan ni Ryan at maghanap ng babaeng liligawan. But everything had changed. He was taken for granted by his bestfriend and old friends.
"Okay lang 'yan, dito naman ako, hindi kita iiwan." Huli na para bawiin niya ang sinabi. May kung ano sa puso niya na gusto niyang sabihin iyon.
"Sana nga, halika na, ihatid na kita sa inyo," yaya ni Baron. Pero tumigil ito sa paglalakad at hinarap siya.
"Hael?"
"Hmmm?"
"Habang wala ako, huwag kang humanap ng iba," seryosong bili ni Baron kaya napangiti si Hael. Kahit suplado ito, nakikita niya ang soft side ng binata. "Promise me, Hael. Walang iba."
"Oo na! Wala namang magkakagusto sa akin," sabi na lang niya.
Pagdating nila sa bahay, agad na umalis si Baron dahil may pupuntahan pa ito.
Papasok na sana siya ng gate nang marinig ang tunog ng alarm clock.
"See you again, Baron!" bulong ni Hael bago tuluyang imulat ang mga mata sa kasalukuyang mundo.
------------
" Kamusta na kaya siya?" bulong ni Hael. Ilang araw na siya nanaginip pa kina Baron pero excited siyang makita ang binata.
Ipinatong muna niya ang dalang notebook sa isang upuang dala niya at naglinis ng restroom ng mga babae. Wala namang gaanong tao kaya naupo muna siya. Kulang siya sa tulog dahil ala una na siya umuwi kagabi.
Hindi niya namalayang nakaidlip na pala siya. Pagmulat niya, napalinga-linga siya sa paligid. Napansin niyang sarado ang isang cubicle kaya dali-dali niyang kinuha ang notebook at tumungo sa classroom nila. Nakakahiya naman sa taong nasa loob ng cubicle dahil nakita siya nitong natutulog. Sana lang ay hindi siya kinuhanan ng litrato.
Kakaupo niya lang sa upuan at binuklat ang dalang notebook. May test sila mamaya kaya kahit saan, bitbit niya ito.
"Shit!" bulalas niya at dali-daling tumakbo pabalik sa restroom dahil wala na ang bondpaper na inipit niya sa gitna ng notebook.
"Wala na," naiiyak na sabi niya. Hindi naman siya professional na pintor kagaya ng lolo niya. Gumuguhit lang siya kapag nasa modo at noong isang araw, sinubukan niyang iguhit ang sasakyan ng sorority queen. Pinagtiyagaan niya iyong iguhit dahil nang nag-research siya tungkol sa mga sasakyan, wala siyang nakitang kagaya nito.
Nanlulumong bumalik siya sa classroom. Kahit sa daan, wala siyang nakita. Kung mayroon man, sigurado siyang tinapon na iyon ng mga nakakita. Sino ba naman ang magkakainteres sa guhit na iyon?
Pinabasa lang naman sila ng guro at pagkatapos, nagkaroon ng kaunting lecture. Second semester na. Dalawang taon at kalahati, magtatapos na siya. Kaunting tiis na lang. Naririnig niya na palaging si GV ang laman ng usapan ng quadruplets,ang dating kasintahan ni Lance Leonard.
Pagkatapos ng klase, dumiretso naman siya sa rooftop para magwalis.
"Hell!" tawag ni Jacob pero hindi niya nililingon hanggang sa makarating siya sa rooftop.
"Ano ang ginagawa mo rito? Hindi pa ako nakapaglinis," sabi ni Hael.
"Umalis ka na sa trabaho mo," wika ni Jacob.
"Marami akong trabaho. Hindi ko alam kung alin ang tinutukoy mo."
"Sa bar."
"Ano ba ang pakialam mo?"
"Ilan ba ang nakakagamit sa katawan mo gabi-gabi? Magkano ang bayad nila sa iyo at tapatan ko!" Galit na hinarap niya si Jacob.
"Wala kang karapatang husgahan ako!"singhal niya. Pinipigilan lang niya ang sariling suntukin ito.
"Hindi naman kita hinushusgahan, gusto lang kita tulungan," paliwanag ni Jacob.
"Salamat sa tulong mo pero hindi ko kailangan!"
"Hael naman! Seryoso ako, ilan ang presyo mo? Ilan ang kita mo at gawin kong triple!" sabi ni Jacob kaya natigilan si Hael. Kung si Lee Patricknay double, sa kaniya naman ay triple para pumayag si Hael.
"Bakit mo ito ginagawa? May gusto ka ba sa akin?" mahinang tanong ni Hael. Oo, naghihirap siya pero ne minsan, hindi pumasok sa isip niya ang magbenta ng laman.
"W-Wala ah. Kapal mo naman! G-Gusto lang kitang tulungan. Oo, palagi kitang inaasar pero ayaw ko naman na makulong ka sa ganoong gawain. Ayaw kong sari-saring lalaki ang umaangkin sa katawan mo! Paano kung hindi sila makapagbayad o kulang ang pera nila? Papatayin ka nila?" Labis talaga siyang nabahala sa kalagayan ni Hael. Paano kung matulad ito sa ibang pokpok o nagpapabayad?
"Salamat sa concern, Jacob. Huwag kang mag-alala, wala na ako sa bar. Hindi na ako nagtatrabaho roon." Kahit paano, napangiti siya. Concern din pala ang loko sa kaniya?
"Pero babalik ka pa ba roon?"
"Bakit?"
"Huwag na. Sa unit ka na lang maglinis, babayaran kita katumbas ng kita mo sa bar."
"Hindi na ako babalik sa bar."
"Pero magpapagamit ka pa ba sa iba?"
"Hindi na," sagot ni Hael.
"Gagawin na lang kitang girlfriend para wala nang gagamit sa iyo," wika ni John Jacob kaya napakunot ang noo ni Hael.
"Nagpapatawa ka ba?" Kung ang tingin nito ay ganoon lang siya kadaling makuha dahil ang iniisip nito ay bayaran siya, puwes, nagkamali ito.
"Seryoso ako," sagot ng binata.
"May boyfriend ako!" sagot ni Hael. Naalala niya si Baron. Nangako itong mamasyal pa sila bago ito bumalik ng ibang bansa.
"May boyfriend ka? Mahal ka ba niya?" naiinis na tanong ni Jacob.
"Yes, hindi naman niya ako liligawan kung hindi," pagmamalaking sagot ni Hael kahit na hindi rin siya sigurado. Wala namang ligawang nangyari e. Basta sabi ni Baron, sila na raw.
"Kung mahal ka niya, bakit ka niya hinayaang gamitin ng iba? Bakit hinayaan ka niyang maging working student? Bakit pinapatrabaho ka pa niya?" sunod-sunod na tanong ng binata.
"Dahil estudyante pa siya pero mahal niya ako!" giit ni Hael. At aaminin niya, kinikilig siya kay Baron. Noong huling pag-uusap nila, alam niyang gusto siya nito. Mali man ang umibig sa taong nasa panaginip, pero wala siyang magagawa, mahal na nga niya si Baron kahit na sandali lang silang nagkausap.
"Hindi ka naman pala kayang buhayin! Basta mula ngayon, boyfriend mo na ako at bawal kang magpagamit sa iba!" Parang haring wika ni John Jacob kaya napanganga si Hael. Hindi niya mabasa ang tumatakbo sa utak nito. Or baka isa na naman ito sa pang-aasar sa kaniya ni Jacob? Baka gaganti talaga ito sa pananapak niya noon?
"H-Hindi na ako virgin!" wika niya kahit na labag sa loob. Iyon naman talaga ang paniniwala ng kaharap kaya sakyan na niya.
"So?"
"Hindi na ikaw ang nakauna sa akin."
"Wala akong pakialam! Ang mahalaga, hindi ka na magpapagamit sa iba! Huwag mo lang akong iputan sa ulo!"
Napakagat si Hael sa ibabang labi. Seryoso ba talaga ito?
"May boyfriend na nga po ako!" paalala niya.
"E di hiwalayan mo na!"
"Ayaw ko!" tanggi niya. Mahirap din pakiusapan si Baron.
"Hihiwalayan mo siya! Basta mula ngayon, tayo na. Girlfriend na kita at boyfriend mo na ako! Walang pero, pero!"
Magsasalita pa sana si Hael pero nakalabas na si Jacob. Nanghihinang napahawak siya sa pinto. Ganoon na ba ang kapalaran niya? Na magkaroon ng mga kasintahang wala man lang ligaw-ligaw? Basta kapag sabihin nitong sila na, sila na talaga? Hindi ba siya puwedeng tumanggi? Hindi ba siya puwedeng umangal? Puwede bang tanungin muna siya kung gusto rin ba niya?

The Adventure of Sleeping BeautyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon